Mas mahabang COVID-19 quarantine period pinag-aaralan ng DOH

  • Mas mahabang quarantine period para sa COVID-19, pinag-aaralan na ng Health department
  • May mga report na ang incubation period ng COVID-19 ay mas mahaba sa 14 days
  • Isang lalaki sa Hubei Province sa CHina ang nagpostibo sa COVID-19, subalit nakitaan lang ng mga sintomas makalipas ang 27 days

Pinag-aaralan na ng Department of Health (DOH) ang posibleng pagpapalawig sa quarantine period para sa mga taong pinaghihinalaang kinapitan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) kasunod ng mga ulat na ang incubation period ng virus ay mas mahaba kaysa sa inaakalang 14 days.

Imahe mula sa Xinhua

Ayon kay DOH Assistant Secretary Maria Rosario Vergeire, ginawa nila ang pag-aaaral sa posibleng extension ng quarantine period nang kumpirmahin ng mga awtoridad sa China na ang isang 70-year-old na lalaki sa Hubei Province ay nagpostibo sa COVID-19, subalit nakitaan lang ng mga sintomas makalipas ang 27 days.

“All of these plans and interventions are evolving, once we see and assess that we would need to extend our quarantine period and then we may be doing that because of these factors,” pahayag ni Vergeire sa “Laging Handa” press briefing sa Malacañang.

Sinabi niya na ang incubation period ay paiba-iba dependa sa tao kaya ang 0 to 14 days na quarantine period na kasalukuyang ipinatutupad ay pwede pa rin.

“We are not saying that for now it’s really 14 days. We are going to be assessing them every day, regularly so that we will know on how we can deal with the situation,” aniya.

Imahe mula sa DFA

Ibinahagi pa ni Vergeire na ang mga Pilipino na nanggaling sa Wuhan City sa China na nakatapos ng 14-day quarantine period sa Athlete’s Village sa New Clark City sa Tarlac ay pinauwi na matapos mag-negatibo sa COVID-19, subalit patuloy pa rin silang imo-monitor sa loob ng isang buwan.

Source :

PNA, Bombo Radyo

Loading…