Matapos ulanin ng batikos, Adamson University binawi ang self-quarantine advisory sa lahat ng Chinese students

Imahe mula sa Twitter | Adamson University
  • Naglabas ng bagong memorandum ang Adamson University patungkol sa hakbang na ginagawa nila bilang pag-iingat sa 2019 nCoV
  • Ito ay matapos na tawaging ‘racist’ ng netizens ang naunang desisyon nila na ‘wag munang papasukin ang lahat ng Chinese na estudyante para mag-self-quarantine
  • Binawi na nila ito at sinabing tanging mga estudyante, staff, at stakeholders na bumiyahe sa mga lugar na may kumpirmadong kas0 ng nCoV lang ang sakop ng advisory

Matapos ulanin ng batikos dahil sa tinawag ng mga netizens na “racist” na memorandum patungkol sa hakbang na ginagawa ng kanilang eskwelahan laban sa 2019 novel coronavirus (2019 nCoV) ay naglabas ng paglilinaw ang Adamson University.

Imahe mula sa Facebook | Adamson University Student Government

Sa unang memorandum na inilabas na may petsang Enero 31, 2020, sinabi nilang napagdesisyonan ng Adamson na huwag munang papasukin ang lahat ng mga Chinese na estudyante.

“In response to the world-wide precautionary measures against the nCoV, Adamson University would like to ensure a healthy and virus-free environment. Thus, we have made a decision that all Chinese students, both graduate and undergraduate, observe self-quarantine starting today until February 14, 2020,” sabi nila.

Pinayuhan din nila ang mga Chinese nationals na huwag munang ituloy ang mga transaksyon sa loob ng unibersidad hanggang Pebrero 14. “However, local students and all other international students will continue with their classes,” sabi nila.”Professors and students are encouraged to maximize the use of our e-learning system so as not to hamper the continuous delivery of learning for the affected students.”

Kinuy0g ng netizens ang Facebook page ng Adamson University Student Government kung saan naka-post ang pahayag kaya naman naglabas muli ito ng memorandum noong Pebrero 1.

“The Office of the President released an Addendum to the previous memorandum regarding the university’s preemptive measures against the threat of the nCoV.”

Imahe mula sa Facebook | Adamson University Student Government

Dito, sinabi nila na kasama sa self-quarantine ang lahat ng “students, staff, and stakeholders who have traveled to and from countries with confirmed cases of 2019 nCoV, including China and/or Hongkong within the last month, or who may have had close contact or had direct exposure to a potential source of infection during their travel abroad.”

Nilinaw din nila ang naunang pahayag at sinabing “Chinese students and guests who are not limited by the above conditions are not covered by the self-quarantine advisory, and are allowed to come to school.”

Humingi rin sila ng paumanhin kaugnay sa naunang memorandum.

“This Memorandum modifies the previous one released, and we apologize for the misimpression it may have created,” saad nila. “Please be assured that Adamson University is working its best to ensure at all times the health and safety of all its stakeholders, both in school and in off-campus activities.”

Loading…