‘May nanalo na:’ Larawan nina Piolo Pascual at Bea Alonzo, kinakiligan ng netizens

Imahe mula sa Instagram | Piolo Pascual PH
  • Marami ang kinilig sa sweet na mga larawan nina Bea Alonzo at Piolo Pascual
  • Ibinahagi ng fan page ni Piolo ang mga ito at sinabing ‘May nanalo na’
  • Hiling ng kanilang fans, sana raw ay magkaroon sila ng movie o kaya naman daw ay maging totohanan na ang kanilang relasyon

Kinakiligan ng netizens ang sweet na sweet na larawan ng Kapamilya stars na sina Bea Alonzo at Piolo Pascual.

Imahe mula sa Instagram | Piolo Pascual PH

Sa magkahiwalay na posts ng fan page na Piolo Pascual PH ay nagbahagi sila ng larawan ng dalawa. “May nanalo na po! Uwian na! How to be you po? @beaalonzo,” sabi nila sa una. Makikita ritong nakayakap si Piolo kay Bea.

Sa isa pang post, si Bea naman ang makikitang nakayapos kay Piolo. “Si Bea, parang nang-iinggit pa eh. May sarili po silang mundo,” sabi sa caption.

Dahil dito ay marami ang humiling na sana ay muling magkatambal ang dalawa na naging magka-love team sa romantic film na Dreamboy ng Star Cinema noong 2005. “Movie, please,” sabi ng netizen na si Jam V.

Marami rin ang nagsabi na sana ay sila na lang ang maging real life partners. “Sana kayo na lang. Kayo na lang, please,” sabi ng isa. “Papa P. ligawan mo na po si Bea,” sabi naman ni Lou.

Imahe mula sa Instagram | Piolo Pascual PH

“Bagay naman kayo. Bakit hindi na lang kayo?” komento naman ng isa pa.

Ang isang fan ni Piolo, hiling na sana ay magkaroon din siya ng pagkakataon na mayakap ang kaniyang idolo. “Sana all ma-hug si Papa P. Sana ako na lang si Bea kahit isang araw lang para ma-hug ko si Papa P. Ultimate crush ko kasi siya since I was in elementary,” sabi niya.

Galing sa kontrobersyal na breakup si Bea sa kaniyang ex-boyfriend na si Gerald Anderson.

Samantala, sinasabi namang magkarelasyon sina Piolo at aktres na Shaina Magdayao. “We’re happy. You know, whatever happens, I know we’re going to stick it up together, stick it out with each other,” sabi niya noon sa isang interview.

Loading…