Mayor Isko hindi tinanggap nang mag-apply noon sa Jollibee

  • Mayor Isko, ikinuwento na hindi siya natanggap nang mag-apply sa Jollibee noon
  • Hindi raw niya na-meet ang isa sa mga requirements ng fastfood chain
  • 5’2” raw ang height requirement at 4’11” lang siya noon

Ikinuwento ni Manila Mayor Isko Moreno na sinubukan niyang mag-apply ng trabaho sa Jollibee bilang part-timer restaurant crew noong nag-aaral pa siya, pero hindi raw siya tinanggap.

Imahe mula sa Manila PIO

Sabi ni Yorme, may programa ang Jollibee noon na “work-to-school” at sinubukan niyang mag-apply ngunit hindi siya pinalad na matanggap.

“They have a program before in Jollibee, ‘yung ‘work-to-school.’ You work for 3 to 4 hours as a student para meron kang pang-tuition fee. You’re only allowed to work for a few hours, then you go back to your school,” kwento ni Yorme.

Sa Jollibee branch malapit sa Isetann Recto raw siya nag-apply noon subalit hindi niya nasunod ang isa sa mga requirements ng fastfood chain restaurant.

“Nag-apply ako d’on, hindi ako pumasa. Alam niyo kung bakit? 4’11” lang ako, eh 5’2” ‘yung requirement,” natatawang kwento ng Manila Mayor.

Gusto raw niyang makatapos ng pag-aaral upang matupad ang pangarap niyang maging seaman. Nang hindi siya matanggap sa Jollibee, ipinagpatuloy na lang daw niya ang pamamasada ng kanyang sidecar.

Imahe mula sa Manila PIO

Ang pagbabalik-tanaw ni Yorme sa naging karanasan sa pag-apply sa Jollibee ay nangyari sa pakikipagpulong niya sa Jollibee Food Corp. (JFC) Metro Manila Marketing Team upang mapag-usapan ang programa ng Manila city government na mabigyan ng patas na oportunidad sa trabaho ang mga senior citizens at persons with disability.

Ibinahagi naman ng mga kinatawan ng JFC na patuloy ang kanilang hiring kaugnay ng programa ng lungsod.

“Naka-two batches na po kami, na-orient na po namin ‘yung second batch,” ayon sa isa isang marketing head ng JFC tungkol sa mga na-hire na senior citizens.

Imahe mula sa Manila PIO
Source :

MSN, Facebook

Loading…