Mayor Isko Moreno, naglaro sa ‘Bawal Judgmental’, ibinahagi sa mga kalahok na dating OFWs ang napanalunan

  • Special guest si Manila City Mayor Isko Moreno sa “Bawal Judgmental” ng Eat Bulaga nitong Sabado, Pebrero 1, 2020 kung saan itinampok ang pitong mga dating OFWs 
  • Dahil naantig sa mga karanasan ng mga dating OFWs, minabuti ni Moreno na ibahagi sa kanila ang kaniyang napanalunan
  • Maging ang talent fee ng butihing mayor ay ido-donate niya sa Heart Center of the Philippines

Naglaro si Mayor Isko Moreno sa isang segment ng Eat Bulaga! na “Bawal Judgmental” Siya ang nanghula ukol sa mga naging karanasan ng pitong dating overseas Filipino workers (OFWs) na guest ng programa.

Imahe mula sa Facebook page ng Eat Bulaga

Sa segment na ito, ang manlalaro ay kailangang maprotektahan ang hawak na ?50,000. Sa bawat maling hula ay mababawasan siya ng ?5,000.

Sa unang round, pinamili si Moreno ng apat sa pitong guest na sa tingin niya ay nakapagtrabaho sa ibang bansa sa loob ng tatlong taon at higit pa.

Isa sa mga tumamang hula ni Moreno ay si Mang Lito na 15 taong nagtrabaho sa Saudi Arabia ngunit isa sa mga pinabalik sa ating bansa nang ipatupad doon ang “Saudization.”

Ang Saudization ay polisiya na naglalayong maging priyoridad ang mga lokal na mamamayan ng Saudi Arabia sa pagbibigay ng trabaho. Kabilang sa mga foreign workers doon na pinabalik ng kanilang gobyerno sa pinagmulang bansa ay ang mga senior citizen. Ito ang dahilan ng pagbalik ni Mang Lito sa Pilipinas.

May isang maling hula si Moreno sa round na ito kaya nabawasan siya ng ?5,000.

Lalong naging seryoso ang talakayan sa ikalawang round ng laro dahil kailangang pumili ni Moreno ng tatlo na nakaranas ng karahasan sa bansang kanilang pinagtrabahuhan.

Tumama sa tatlong napili si Mayor Isko ngunit bawat isa sa kanila ay may malulungkot na kuwento tulad ni Rizza. Si Rizza ay tatlong buwan lamang nagtrabaho sa Saudi Arabia dahil na rin sa mga hindi kanais-nais na karanasan doon na muntikan nang mahalay ng among lalaki.

Labis naman ang pagkaawa ni Mayor Isko sa sinapit ng mga dating OFWs sa kaniyang harapan.

Sa huling round, kinailangang pumili si Moreno ng dalawa na may naiwang anak na limang taong gulang pababa nang una silang mangibang-bansa. Sa dalawang napili ay walang tumama kaya ?35,000 ang kabuoang napanalunan ni Mayor Isko.

Ang nakatutuwa rito, ipinabahagi niya sa pitong kalahok ang kaniyang premyo. Saktong tig-?5,000 ang bawat isa.

Imahe mula sa Facebook page ng Eat Bulaga

Inianunsiyo rin ng butihing mayor na ang kaniyang talent fee mula sa Eat Bulaga ay kaniyang ido-donate sa Heart Center of the Philippines. Dahil dito, inianunsiyo ni Joey de Leon na dodoblehin nila ang talent fee ni Moreno.

May busilak na kalooban talaga ni Mayor Isko! Marunong siyang magbahagi ng mga biyayang kaniyang natatanggap.

Source :

Live on TV, Facebook

Loading…