Mayor Sara Duterte sa franchise renewal ng ABS-CBN: “Davao fully supports ABS-CBN sa kanilang franchise”

  • Suportado umano ni Davao City Mayor Sara Duterte ang franchise renewal ng ABS-CBN
  • Batid niya ang kontribusyon ng network sa kanilang lungsod at iba pang lalawigan sa Mindanao
  • Sinabi rin ni Sara na malambot ang pus0 ng amang si Pangulong Rodrigo Duterte at naaawa rin ito sa mga empleyadong mawawalan ng trabaho

Patuloy pa ring pinag-uusapan ang nakabinbing franchise renewal ng media giant na ABS-CBN. Matapos dinggin sa Senado ang tungkol sa kanilang prangkisa, kanya-kanya na ring ere ng opinyon ang mga politiko at mahahalagang personalidad tungkol sa kapalaran ng Kapamilya network.

Isa sa mga nag-ere ng kanyang opinyon ay ang presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio. Ayon sa kanya, bagama’t  bukas na inihahayag ng kanyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte na haharangin niya ang franchise renewal ng ABS-CBN, suportado naman daw ni Sara at ng buong Davao ang prangkisa ng network.

Larawan mula sa Facebook

“Davao City fully supports ABS-CBN sa kanilang pagre-renew ng kanilang franchise…” bungad ng Mayora sa kanyang panayam sa Sulu.

Malaki raw ang naitulong ng ABS-CBN, lalo na ang local network nito sa Mindanao, para sa kanilang lungsod at mga karatig probinsya. Iniisip din daw ng pangulo ang kapakanan ng mga empleyado ng ABS-CBN na mawawalan ng trabaho kung sakaling hindi ma-renew ang prangkisa nito.

“Of course malaki rin ang suporta ng ABS-CBN sa Davao City at sa buong bansa. Alam n’yo naman si President Duterte, maawain ‘yan na tao. Iniisip din niya ang trabaho ng maraming empleyado ng ABS-CBN,” dagdag pa nito.

Umaasa rin daw si Sara na kahit na ilang mga kaalyado pa ni pangulong Duterte ang prangkang nagsasabi na hindi na dapat ma-renew ang franchise ng ABS-CBN ay mareresolba pa rin ito at mabibigyan ng pagkakataong muling mag-operate ang isa sa malalaking media network sa bansa.

“Hopefull ma-resolve in a very positive way ang issue ng franchise ng ABS-CBN,” pagtutuloy ni Mayor Sara.

Larawan mula sa YouTube

Hindi rin umano malabo na lumambot ang damdamin ng pangulo sa Kapamilya network na minsan na rin nitong nakatrabaho. Ayon kay Sara, minsan na rin daw naging host ang pangulo sa isang weekly talk show sa ABS-CBN local station sa Davao City.

Matatandaang karamihan sa mga senador ay hindi pabor sa pagharang sa pagre-renew ng franchise ng ABS-CBN. May ilan din namang nagpapasa ng iba’t ibang panukalang batas upang matalakay nang mabuti ang prangkisa ng Kapamilya network.

Loading…