MB Hosts, Kylie naging emosyonal sa pagtanggap ng kanyang ama kay Jake Cuenca

Imahe mula sa video ng Magandang Buhay via YouTube
  • Naging emosyonal ang isang episode ng Magandang Buhay kung saan guest sina Jake Cuenca, Kylie Verzosa, at amang si Ari Verzosa
  • Sinabi ni Ari na tanggap niya si Jake at handa na raw siya sakaling lumagay sa tahimik ang dalawa
  • Hindi napigilan ng hosts ang luha nang magyakapan sina Jake at Ari

Bumuhos ang luha sa isang episode ng Magandang Buhay tampok ang magkasintahang sina Jake Cuenca at Kylie Verzosa. Naroon din ang ama ni Kylie na si Ari Verzosa.

Imahe mula sa video ng Magandang Buhay via YouTube

Binalikan ng Daddy ni Kylie kung paano niya nakilala si Jake. “I think the tendency ng sinumang father is to try to gauge muna yung lalaki. The first time I ever saw Jake, hindi ko siya nakita. Nakita ko yung kotse niya. Sabi ko ‘who’s that?’ and then kinwento nga ni Kylie,” pagbabahagi niya.

Pag-amin niya, hindi niya raw talaga kilala si Jake noon kaya naman agad siyang nag-check sa YouTube. Ang una niya raw nakita ay ang interview ni Jake sa Tonight With Boy Abunda. “Yun yung una kong nakita sa kaniya, mahaba pa yung buhok niya. Yun ang image niya…until I finally saw him,” kuwento ni Ari.

Noong unang pagkikita raw nila ay nasabi niyang magwo-work ang relasyon ni Jake at ng anak. “I was trying to gauge him based on our conversations, the way he answers. And I like this guy. I think this is going to work out,” sabi niya.

Bagama’t bilang ama ay masakit para sa kaniya na may kahati na siya sa pus0 ni Kylie ay masaya raw siya dahil nakikita niya kung gaano kamahal ni Jake ang anak.

“I think palaging part yun sa pus0 ng kahit sinong tatay na may minamahal nang iba ‘yung anak ko. May kahati na yung puso, hindi lang ako,” sabi niya. “No matter what, she will always be my baby. It will always stay that way.”

Imahe mula sa video ng Magandang Buhay via YouTube

Na-touch naman ang Magandang Buhay hosts sa naging sagot ni Jake dito.

“Gusto kong malaman ni Tito na alam kong masakit para sa isang ama na yun na nga, may kahati sa pus0 ng isang anak pero may isa pang tao na nagmamahal sa inyo, ako rin po yun,” sabi ni Jake.

Tinanong din ng hosts si Daddy Ari kung handa ba siya sakaling magdesisyon ang dalawa na lumagay na sa tahimik.

“Kanina habang nagbibihis si Kylie tapos nakita kong puti, biglang pumasok sa isip kong ‘Oh My God, magkakatuluyan ‘to.’ It felt good. Handa na ako,” sabi niya habang naluluha.

Sa puntong ito, nakipagkamay si Jake kay Ari na tumayo at yumakap sa nobyo ng anak. Na-touch sa eksenang ito ang mga hosts na naluha na rin sa nasaksihan.

“Nakatataba ng pus0. Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko kasi honestly daddy’s girl talaga ko. Nung narinig ko yung sinasabi ni Jake parang okay na ako, happy na ako, kumpleto na ako,” sabi ni Kylie na sinigurado naman sa ama na mananatili siyang little girl nito habambuhay.

Panoorin ang video na ibinahagi ng Magandang Buhay:

Source :

YouTube, YouTube

Loading…