Memo hinggil sa proper dress code ng gov’t employees sa ilang probinsiya ngayong Valentine’s, kinaaliwan sa socmed

  • Patok sa netizens ang memo na inilabas ng ilang mga opisyal ng pamahalaan tungkol sa proper dress code ng kanilang mga empleyado sa Araw ng mga Puso
  • Sa Facebook, kinaaliwan ang listahan ng mga kulay ng damit na dapat isuot ng mga government employees na naaayon sa kanilang “relationship status”
  • Kabilang sa mga naglabas ng dress code ay ang alkalde sa bayan ng Naujan sa Oriental Mindoro at gobernador sa probinsiya ng Ilocos Sur

Kinaaliwan sa social media ang paalalang inilibas ng mga nakatataas na opisyal ng pamahalaan tungkol sa tamang pananamit ng kanilang mga empleyado sa pagdiriwang ng Araw ng mga Puso.

Imahe mula sa Pixabay

Sa Facebook, makikita ang mga memo na inilabas sa bayan ng Naujan sa Oriental Mindoro at sa probinsiya ng Ilocos Sur.

Kabilang na rito ang nilagdaan ng alkalde ng Naujan sa Oriental Mindoro na si Mark Marcos noong February 13.

Makikita rito ang pakiusap niya sa mga empleyado ng nasabing munisipyo tungkol sa pagpili nila ng kulay ng damit na susuotin para sa Valentine’s Day na dapat naayon din sa kanilang “relationship status.”

Ganito rin ang eksena sa probinsiya ng Ilocos Sur dahil sa memo na inilabas ni Ilocos Sur Governor Ryan Luis Singson hinggil sa dress code ng mga empleyado ng kanilang kapitolyo sa Araw ng mga Puso.

Inimbitahan nitong magsuot ng damit na kulay pula ang mga empleyado kung sila ay “in love o taken” na. Black naman ang inilaan nitong kulay para sa mga “bitter” o mga nakaranas na ma-take for granted.

Para sa mga may “pusong bato”, pinapayuhan ang mga ito na magsuot ng damit na kulay browan at pink naman para sa mga naghihintay at patuloy na umaasa kahit walang kasiguraduhan.

Malinaw naman sa memo na ang pagsusuot ng iba’t ibang kulay ng damit na naaayon sa kani-kanilang relationship status ay pawang katuwaan lamang.

Imahe mula sa Facebook page ng ABS-CBN

Paraan umano ito ng mga nasabing bayan at probinsiya upang ipagdiwang ang Valentine’s Day at madama ng mga empleyado ang araw kung kailan dapat nangingibabaw ang pagmamahalan.

Ano’ng mga kulay kaya ang nangibabaw sa Araw ng mga Puso? Lol

Loading…