Mensahe ng isang pari: “Self-care is a priority, not a luxury”

  • May payo ang isang misyonaryong Argentinian para sa lahat
  • Aniya, “Self–care is a priority not a luxury”
  • Inihalintulad niya ang katawan ng tao sa phone battery na malapit nang mawalan ng power o tinatawag na “lowbat” na kailangang i–recharge

“Alagaan ang sarili. Charge yourself by having fun with your friends or just relaxing at home or attending a mass for spiritual recharge.”

Iyan ang paalala para sa lahat ng isang dayuhang pari na nagngangalang “Father Luciano Felloni” sa kaniyang Facebook page na “AlmuSalita”; napapanahon lalo pa’t nauuso ang mga sakit ngayon, at ang pinakamalaking magagawa ng mga tao upang makaiwas dito ay ang pangangalaga sa sarili.

Imahe mula sa Facebook page na AlmuSalita

Inihalintulad ni Father Felloni ang katawan ng tao sa phone battery na malapit nang mawalan ng power o tinatawag na “lowbat”. Kung ayaw daw nating maihalintulad ang sarili natin sa isang bateryang pawala na ang lakas o power, kinakailangan daw ang pagre–recharge. Aniya, “Self–care is a priority not a luxury.”

Sumang–ayon naman ang mga netizens sa sinabi ng pari.

Ayon sa isa, ” I agree with this, always remember, whatever we do or where ever we go, don’t forget God in our hearts and minds at the same time enjoying the company of our family and friends.”

“If you will not take care of yourself, who would you expect to do it for you? You can only share love if you know how to love yourself. This is so true,” komento naman ng isa.

Saad naman ng isa, “Win na win po ito Father Felloni. This is so true. We really need to recharge our spiritual battery for our body and soul. In times like this, bukod sa pagpapalakas ng katawan at resistensiya, kailangan ding palakasin ang ispirituwal na aspeto ng buhay.”

Imahe mula sa Facebook page na AlmuSalita

Si Father Luciano Airel Felloni ay isang misyonaryong Argentinian na halos dalawang dekada nang naninirahan sa Pilipinas, at kilalang pilantropo at tagapagtaguyod ng mga makataong pagkilos para sa mga Pilipino.

Loading…