Mga field trip ng mga estudyante pansamantalang hindi papayagan ng DepEd sa gitna ng nCoV scare

  • Mga field trips ng mga estudyante pansamantalang hindi papayagan
  • Ang direktiba ng DepEd ay kaugnay ng kumakalat na nCoV
  • Sususpindehin din ang mga school events para sa buwan ng Pebrero kabilang ang National Science and Technology Fair, National Festival of Talents, at National Schools Press Conference

Pansamantalang ipagbabawal ng Department of Education (DepEd) ang pagsasagawa ng mga field trip ng mga estudyante kaugnay ng kumakalat na 2019 novel coronavirus (nCoV).

Imahe mula sa DepEd Tambayan

Ayon sa DepEd, kabilang ang field trip ng mga estudyante at iba pang out-of-school activities ang napag-usapan sa pakikipagtalakayan ng ahensya sa iba pang ahensya ng pamahalaan hinggil sa kumakalat na virus.

“We have been advised to take care of exposing our children to crowded places. Right now, the policy is for temporary postponement of all these activities because it will be drawing in learners, teachers, family members from all regions,” wika ni Education Secretary Leonor Briones sa isinagawang Senate hearing noong Martes, ika-4 ng Pebrero..

Handa umanong tumalima ang DepEd sa anumang advisory na manggagaling sa Department of Health (DOH). Kanila umanong susundin kung sasabihin ng DOH na itigil muna ang pagsasagawa ng mga field trips at ib apang out-of-school activities.

Sa memorandum na inilabas ng DepEd nitong Miyerkules, ika-4 ng Pebrero, inisa-isa nito ang mga hakbang na dapat gawin ng mga paarlan upan gmaprotektahan sang mga estudyante laban sa nCoV.

Imahe mula sa PIA

Ayon pa sa memo, sususpindehin ang mga school events para sa buwan ng Pebrero kabilang ang National Science and Technology Fair, National Festival of Talents, at National Schools Press Conference.

Sa naunang pahayag, sinabi ng kalihim na sususpindehin din ang Palarong Pambansa na inaasahang hahakot ng hanggang 30,000 estudyante at pamilya nila.

Subalit nilinaw ng si Sec. Briones na hindi ito kasama sa mga masususpindeng events para sa Pebrero dahil sa Mayo pa ito nakatakdang ganapin.

Imahe mula sa PCOO

Loading…