Mga lalaki, mas prone sa nCoV ayon sa pag-aaral sa China

Imahe mula sa Wikimedia Commons
  • Mas prone ang mga lalaki kaysa mga babae sa 2019 novel coronavirus
  • Nalaman ito ng mga doktor at researcher mula sa China base sa pag-aaral nila sa 99 pasyente sa Wuhan
  • Mahalaga rin daw na maagang ma-diagnose at magamot ang mga pasyenteng meron nito upang hindi mauwi sa mga komplikasyon

Mas madaling kapitan ang mga lalaki kaysa mga babae ng 2019 novel coronavirus (nCoV). Ito ang napag-alaman ng isang pag-aaral na ginawa sa 99 mga pasyente sa Wuhan, China, kung saan nagsimula ang outbreak.

Imahe mula sa AAFP

Ayon sa isang artikulo sa South China Morning Post, ito ay base sa pag-aaral na ginawa ng mga doktor mula sa Jinyintan Hospital at researchers mula sa Shanghai Jaio Tong University at Ruijin Hospital sa 67 na lalaki at 32 na babae na na-admit mula Enero 1 hanggang 20.

“We observed a greater number of men than women in the 99 cases of 2019-nCoV infecti0n. Mers-CoV and Sars-CoV have also been found to infect more males than females,” saad sa pag-aaral. “The reduced susceptibility of females to viral infecti0ns could be attributed to the protection from X chromosome and sex hormones, which play an important role in innate and adaptive immunity.”

Imahe mula sa Wikimedia Commons

Mahalaga raw na maagang ma-diagnose at magamot ang mga pasyenteng meron nito upang hindi mauwi sa mga komplikasyon. Napag-alaman din ng mga researcher na 1/3 ng mga pasyente ay nakaranas ng komplikasyon at organ failure. 17 percent daw ang nagkaroon ng seryosong kondisyon  sa lungs, 8 percent ang may acute lung injury, habang 3 percent naman ang nagkaroon ng kidney failure o damage.

“Our results suggest that 2019-nCoV is more likely to infect older adult males with chronic comorbidities as a result of the weaker immune functions of these patients,” sabi pa sa pag-aaral.

Naitala sa Pilipinas ang unang kas0 ng pagkasawi ng pasyenteng may nCoV sa labas ng China. Kinilala ito bilang isang 44 anyos na lalaking Chinese na kasama ng 38 anyos na babaeng naging unang kumpirmadong kaso ng coronavirus sa bansa.

Loading…