Mga lugar na kinunan sa mga eksena ng “Parasite” dinarayo ng mga turista, mga negosyo dumoble ang kita

  • Trending sa South Korea ang mga lugar kung saan kinunan ang mga eksena ng “Parasite”
  • Ang mga negosyong naitampok sa pelikula ay dumoble ang kita dahil sa pagbisita ng mga turista
  • Planong gawin ng Seoul government na tourist attractions ang mga lugar

Dumoble ang kinikita ng ilang business establishments sa South Korea na naitampok sa pelikulang “Parasite” dahil dinagsa ito ng mga turista matapos masungkit ng pelikula ang Best Picture award sa Oscars.

Screenshot mula sa official trailer ng Parasite

Maraming fans ng “Parasite” ang dumagsa sa Sky Pizza sa Dongjak Ward sa southern Seoul para mag-selfie. Isang tarpaulin ang nakasabit sa harap ng establisimyento na nagpapakita na kasama ng director na si Bong Joon-ho ang may-ari ng pizzeria. Ang pizzeria ay itinampok sa pelikula bilang Pizza Age.

“I’ve only visited restaurants from big pizza franchises before, so coming here to the film location is really special,” sabi ni Go Jin-kyu.

Isa naman ang nagsabi na binisita niya ang lahat ng mga lugar kung saan kinunan ang mga eksena ng pelikula.

“I’ve always admired director Bong Joon-ho. I’m visiting all the main places that appeared in the film after it won awards at the Oscars,” ayon sa  29-year-old movie fan na si Park Byung-ryul.

Sinabi naman ng mag-asawang may-ari ng Doijissal Supermarket, na ginamit sa pelikula bilang Woori Supermarket, na halos hindi sila makatulog dahil sa sobrang saya nang manalo sa Oscars ang Parasite.

Imahe mula sa Yonhap

“We were so elated by the awards that we couldn’t sleep. Some people who claim to be film buffs came here, and a lot of foreign tourists have also visited to take photos and buy something,” sabi ng mag-asawang Kim Kyeong-soon, 73, at Lee Jeong-sik, 77.

“I am really happy and thankful to them for shooting a great film here and making me famous too,” sabi pa ni Kim Kyeong-soon.

Planong gamitin ng lokal na pamahalaan ng Seoul ang mga nasabing lokasyon na naitampok sa pelikula bilang tourist attractions. Sa katunayan ay inilagay na sa tourism website nito ang mga larawan ng mga lugar.

Imahe mula sa Yonhap

Loading…