Mga OFW mula sa Taiwan tumangging magpa-quarantine

  • Mga OFW mula sa Taiwan tumangging magpa-quarantine
  • Reklamo ng mga OFW, hindi sila nasabihan na ika-quarantine sila pagdating sa Mactan Cebu International Airport
  • Sa bandang huli ay sumama rin ang 78 OFW sa quarantine site

Tumangging magpasailalim sa 14-day quarantine ang nasa 78 na overseas Filipino workers (OFW) na dumating sa Mactan Cebu International Airport (MCIA) galing sa Taiwan dakong 10:30 ng gabi noong Miyerkules, ika-11 ng Pebrero.

Imahe mula sa The Filipino Times

“They want to step out of the airport, and they don’t want to be quarantined,” sabi ni Steve Dicdican, ang general manager ng MCIA, sa isang panayam Miyerkules, ika-12 ng Pebrero.

“This problem has been going on since last night. We resolved it last night, but today there were still people who refused to follow the quarantine orders because they cannot accept the suddenness of the temporary ban involving Taiwan,”  dagdag pa niya.

Matatandaang bukod sa China, Hong Kong at Macau, idinagdag ng pamahalaaan ang Taiwan sa travel ban na ipinatutupad upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Ayon kay Dicdican, humingi sila ng ayuda sa Police Regional Office dahil nagpupumilit lumabas ng airport ang mga OFW mula sa Taiwan. Subalit, sa bandang huli ay napakiusapan din nila ang mga OFW na sumama sa quarantine site.

Reklamo ng isang OFW na hindi nagpakilala, dumating siya sa MCIA alas-diyes ng umaga noong Miyekules at pinigil sila sa holding area ng airport hanggang alas-otso ng gabi. Inabot din umanong isang oras ang biyahe patungo sa quarantine site.

Imahe mula sa CNN PH

Anang OFW, sana raw ay maintindihan ng mga awtoridad ang damdamin nila. Noong umalis sila sa Taiwan ay wala naman umanong nagsabi sa kanila na pagdating sa Cebu ay isasailalim sila sa 14-day quarantine.

Kung nasabihan sila ay nakapag-adjust sana sila ng kanilang schedule at inasahan ang quarantine procedures.

Inireklamo rin niya ang quarantine facility na tila lumang classroom at ilang tao ang nagsasalo sa iisang kwarto. Hanggang nitong Huwebes ng umaga, ika-13 ng Pebrero, ay wala raw tubig sa quarantine site.

Loading…