Mga Pilipinong nagpasaklolo mula sa Wuhan City sa China, nasa Pilipinas na

  • Nakarating na sa Pilipinas ang 30 OFW na sinundo mula sa Wuhan City, China
  • Kaugnay ito ng 2019 Novel Coronovirus Outbreak na nananalasa ngayon sa kalusugan
  • Sa Wuhan City ang epicenter ng naturang outbreak

Nakauwi na sa Pilipinas ang 30 Overseas Filipino Workers o OFW mula Wuhan City, China nitong Linggo, Pebrero 9, 2020 na lumapag sa Clark International Airport sa Pampanga, kaugnay ng pamiminsala ng 2019 Novel Coronavirus (2019-nCoV) outbreak.

Sinundo sila ng ilang opisyal ng Department of Foreign Affairs o DFA kasama ang limang medical personnel–dalawang doktor, dalawang nurses at isang medical technologist, na ipinadala naman ng Department of Health o DOH nitong Sabado ng gabi, Pebrero 8. Ang pagsundo ay naganap sa Wuhan Tianhe International Airport sa pamamagitan ng chartered flight.

Larawan mula sa Manila Bulletin

Dadalhin at mananatili ang 30 Pilipino sa Athlete’s Village na nasa New Clark City sa Tarlac sa loob ng 14 araw para sa quarantine. Itinayo ito noong 2019 para sa 30th Southeast Asian Games. Bawat isa sa kanila ay magkakaroon ng sariling kuwarto na may mga amenities tulad ng air conditioning unit, toilet at television set. Bibigyan din sila ng tatlong meal araw–araw.

Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque, walang dapat ikabahala ang publiko dahil inatasan na raw nila ang ilang mga ahensiya sa pagdi–disinfect ng mga bagahe at sasakyang gagamitin para sa kanila. Sumailalim din umano sila sa dalawang screening tests–bago at pagkatapos ng flight, upang matiyak na wala silang sintomas ng virus.

Samantala, may ilang mga Pilipino umano ang naiwan sa Wuhan Airport dahil nakitaan sila ng flu–like symptoms pagkatapos ng screening tests. Hudyat kasi ito sa pagtukoy kung sino ang carrier ng coronavirus. Agad silang dinala sa pagamutan sa China na may medical facilities para sa pagsugpo nito.

Public Domain Image

Nagbigay naman ng komento rito ang mga netizens.

Sabi ng isa, ““Even though I walk through the valley of the shadow of death, I will fear no evil: for You are with me; Your rod and Your staff, they comfort me.. Thanks to our national government for this movement!”

Turan naman ng isa, “It’s a nice feeling to be back to our homeland. Be safe and God bless everyone. Hope everybody is healthy and well.”

“Kababayan natin ‘yan. Huwag natin silang itakwil. Sama–sama tayong labanan ang virus na ‘yan. Lahat tayo, dapat maayos ang hygiene talaga. Ingat tayo. Magdasal dahil walang imposible sa Diyos, ” panawagan naman ng isa.

Panalangin natin ang maayos na kalusugan ng mga Pilipinong ito, at ng iba pa nating mga kababayang naiwan pa sa China!

Loading…