Mga Pinoy hindi nawawala ang sense of humor kahit nasa gitna ng banta ng nCoV

  • Mga Pinoy nananatiling masayahin sa gitna ng mga krisis na nararanasan
  • Sa gitna ng banta ng nCoV nagawa pa rin ng ilang Pinoy na magpangiti
  • Isang Facebook post ang nagpakita ng nakakatuwang face mask na patok sa mga Pinoy

Isa sa mga katangian ng mga Pilipino ay ang pagiging masayahin. Sa kabila ng maraming pagsubok na  nararanasan ay hindi pa rin naaalis ang positibong pananaw sa mga bagay-bagay.

Imahe mula sa Marikina PIO

Marahil, ganito ang paraan nating mga Pinoy upang makayaan ang anumang bigat na dala ng mga krisis at muling makabangon mula sa pagkakalugmok dahil sa mga kalamidad sa ating buhay.

Magandang halimbawa nito ang krisis na nararanasan ngayon ng maraming bansa – ang pagkalat ng novel coronavirus (nCoV) mula sa China na kumalat na sa 19 na bansa kabilang na ang Pilipinas.

Bukod sa banta ng pagkalat ng nCoV, ang kakulangan ng supply ng face mask ang isa sa mga isyung kinahaharap ng mga Pinoy dahil marami ang nag-panic buying kaya’t madaling naubos ang mga stock nito sa mga tindahan.

Ang ibang negosyante naman ay nanamantala sa sitwasyon sa pamamagitan ng overpricing.

Sa kabila ng mga ganitong pagsubok, kinaya pa rin ng mga Pinoy na gawing masaya ang isang maselang sitwasyon.

Isang halimbawa nito ang post sa isang Facebook page – ang Jokes Unlimited – kung saan ipinakita ang iba’t ibang uri ng mga face mask na ginagamit sa ibang bansa kabilang na ang face mask na patok sa mga Pinoy.

Imahe mula sa Jokes Unlimited Facebook page

Ipinakita sa nasabing post ang face mask na gamit ng Korea, Japan at USA, na pawang mga pangkaraniwang surgical masks, samantalang ang sa Pilipinas ay nakakatawang 3D funny face mask ang gamit kaya naman maraming Pinoy netizens ang hindi napigilang mapangiti.

Sari-sari ding patawang posts o memes ang kumalat sa internet na nagpapakita ng kanya-kanyang nakatatawang diskarte ukol sa face mask o pansariling proteksyon. May gumamit ng plastic balloon, balat ng suha, underwear, diaper, napkin at iba pa.

“Only in the Philippines.”

“Ang Pilipinas talaga ang the best sa kalokohan.”

“Mas astig pa din ang Pilipino, ‘di nagpapatinag sa anumang sakuna.”

“Grabe talaga sa kalokohan mga Noypi hahaha.”

Source :

Facebook

Loading…