Mga senador na pabor sa renewal ng ABS-CBN franchise mga fans nga ba ng “Ang Probinsyano?”

  • Karamihan sa mga senador ay pabor sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN
  • Pabor umano ang mga senador sa franchise renewal dahil ayaw nilang mawala ang “Ang Probinsyano” sa telebisyon, biro ni Sen. Zubiri
  • Patuloy na naninindigan si Pangulong Duterte na haharangin niya ang renewal ng ABS-CBN franchise

Sa isang panayam sinabi ni Senate Majority Leader Migz Zubiri na karamihan sa mga senador na pabor na sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN ay mga tagahanga ng aktor na si Coco Martin at ng teleserye nitong “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Screenshot mula sa ABS-CBN video

Aniya, napag-usapan nila ang tungkol sa ABS-CBN franchise na mag-e-expire na sa ika-30 ng Marso 2020.

Matatandaang ilang ulit sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na haharangin niya ang renewal ng prangkisa ng nasabing TV network, samantalang si Solicitor General Jose Calida naman ay naghain ng quo warranto petition sa Korte Suprema upang alisan ng legislative franchise ang ABS-CBN dahil sa diumano ay nagawa nitong mga paglabag, kabilang na ang sinasabing may kasosyo itong mga banyaga na labag sa batas

Naniniwala si Sen. Zubiri na walang foreign ownership ang TV network.

“Wala naman yatang foreign ownership ang ABS-CBN. Sila Mark Lopez…mga Pilipino naman ‘yun. Mga kaibigan ko ‘yung mga ‘yan,” anang senador.

Positibo ang naging sagot ni Sen. Zubiri sa tanong ng isang reporter kung malaki ang pag-asa na mabigyan ng bagong 25-year franchise ang ABS-CBN.

Screenshot mula sa ABS-CBN video

“Yes… alam mo pinag-usapan namin ito sa lounge marami ang pabor naman sa franchise ng ABS-CBN,” aniya.

“Sino ba naman gustong mawala na ang “Probinsyano” sa telebisyon? Sino ba naman ang gustong mawawalan ng trabaho si Coco Martin, di ba? Mother-in-law ko mismo magagalit sa akin,” pabirong dagdag pa ng senador.

More than majority raw sa mga senador ang siguradong papabor sa renewal ng ABS-CBN franchise dahil isa nang institusyon ang TV network.

Imahe mula sa Senate of the Philippines

Loading…