Mga tips upang matanggal ang bilbil

  • May ilang pamamamaraan upang mabawasan o maalis ang bilbil sa tiyan
  • May dalawang uri ang bilbil – subcutaneous fat at visceral fat
  • Kapag hindi naaalis ang bilbil sa kabila ng pagdidiyeta at ehersisyo, posibleng mali ang ginagawang pamamaraan

Bawas “pogi points” at “ganda points” para sa mga kalalakihan at kababaihan ang pagkakaroon ng malaking bilbil sa tiyan. Nagiging sagabal pa ito sa ating pananamit, lalo na sa mga kababaihan na mahilig magsuot ng form-fitting na kasuotan.

Imahe mula sa Natural Health and Green Living

Higit pa sa mga nabanggit, ang pagkakaroon ng bilbil ay maaaring mauwi sa problema sa kalusugan.

May dalawang uri ang bilbil – subcutaneous fat at visceral fat. Mas madaling tanggalin ang subcutaneous fat dahil nakaimbak lang ito sa ilalim ng balat, samantalang ang visceral fat na bumabalot na sa mga body organs ay mas mahirap alisin.

Mahirap man alisin ang mga nakaimbak na taba sa tiyan, may ilang bagay na maaaring gawin upang mabawasan ang sobrang abdominal fat. Narito ang ilan sa kanila:

Iwasang kumain ng kulang sa sustansyang pagkain o ‘yung tinatawag na junk food.

Kahit araw-araw mag-exercise sa gym, pero hindi tumitigil sa pagkain ng mga junk foods, siguradong mananatili  pa rin ang belly fat o bilbil. Sa halip na kumain ng tsitsirya o matamis na cake, mas mainam na kumain ng prutas at gulay.

Imahe mula sa Quora

Uminom ng sapat na tubig araw-araw.

Mainit sa Pilipinas kaya madali tayong ma-dehydrate. Ang 8 glasses ng tubig ay maaaring hindi sapat dahil sa mainit na klima. Subukang uminom ng hanggang 2 liters ng tubig sa isang araw para  mapanatili tayong properly hydrated. Nagiging episyente ang functions ng katawan at pinatataas nito ang metabolismo na makatutulong sa paglusaw ng mga taba sa katawan.

Huwag magkakamaling ipagpalit ang tubig sa softdrinks o juice. Ang sweetened drinks ang pinakamalaking salarin kaya lumalaki ang bilbil sa tiyan.

Manatiling aktibo.

Ang cardiovascular exercises tulad ng running, swimming at biking ang pinaka-epektibong pampaliit ng tiyan. Samahan pa ito ng pag-akyat sa hagdan sa halip na gumamit ng elevator. Makatutulong din ang weight training para mabawasan ang bilbil. Ang mga ehersisyong ito ay nakapagpapalaki ng muscle at pinatataas ang “fat burning abilities” ng katawan.

Imahe mula sa PH Daily Updates

Iwasang ma-stress (kunsumisyon o labis na pag-aalala).

Ang stress ang isa sa top belly fat builders. Kapag na-stress ang isang tao, awtomatikong gumagawa ang katawan ng cortisol. Tinatawag din itong stress hormone. Kapag mataas ang cortisol level sa katawan ay nagiging magana sa pagkain at pinagagana ang pag-iimbak ng taba sa tiyan.

Gumawa ng mga bagay na nakapag-aalis ng stress tulad ng yoga at meditation. Makatutulong din ang pagbisita sa spa, paglabas kasama ang mga kaibigan at panonood ng paboritong shows.

Imahe mula sa Mindful

Loading…