“Milky Way” naispatan sa papawirin ng Atok, Benguet

  • Naispatan ang “Milky Way” sa papawirin ng Atok, Benguet
  • Ang Milky Way ay terminong naglalarawan sa “hazy band of light” na matatanaw sa langit tuwing gabi hanggang madaling–araw, na binubuo ng mga bituin
  • Nagmula umano ang terminong Milky Way mula sa salitang Latin na “lactea” na nangangahulugang gatas

Isang pambihirang pagkakataon ang nasaksihan ng mga taga–Atok, Benguet matapos maispatan at makuhanan ng larawan ang makapigil–hiningang “Milky Way” sa papawirin, nitong madaling–araw ng Sabado, Pebrero 22, 2o2o.

Batay sa kuhang larawang ibinahagi ng social media pages ng  “Philippine Star”, nakapagpapalatak at nakamamangha ang senaryo sa kalangitan lalo pa’t kitang–kita ang “galactic scene”, idagdag pa ang malamig na klima sa naturang lugar.

Imahe mula sa Facebook page ng Philippine Star

Umani naman ito ng komento mula sa mga netizens.

Sabi ng isa, “Ang galing naman! Napakasarap mag–star gazing sa lugar na iyan. So romantic! Masarap makipag–date kapag ganiyan ang makikita mo sa itaas. Naalala ko tuloy ang klase namin sa Science noon. Paborito ko ang astronomy.”

“Wala na akong makitang ganyan dto sa Kuwait… nakakamiss na ang probinsya sa Pinas. Iyan ang mga senaryong hindi dapat palagpasin ng mga magsing–irog”, turan naman ng isang OFW na miss na miss na ang Inang Bayan.

Sambit naman ng isa, “Starry night! Sarap humiga sa lapag, tapos titingnan lang ang kalangitan, with matching holding hands sa dyowa hahaha.”

Ang Milky Way ay isang galaxy, kabilang ang ating sariling Solar System,  na naglalarawan sa “hazy band of light” na matatanaw sa langit tuwing gabi hanggang madaling–araw, na binubuo ng mga bituin. Nagmula umano ang terminong Milky Way mula sa salitang Latin na “lactea” na nangangahulugang gatas.

Public Domain Image

Mula sa daigdig, ang Milky Way ay nagmumukhang disk-shaped structure. Noong kalagitnaan ng 1920’s, inakala ng mga astronomers na nakapaloob sa Milky Way ang lahat ng mga bituin sa kalawakan. Subalit batay sa obserbasyon ni Edwin Hubble, pinatunayan niyang ang Milky Way ay isa lamang sa mga galaxies na matatagpuan sa kalawakan.

Loading…