Miss Earth Philippines 2011 at Kapuso journalist na si Athena Imperial, magkaka-baby na

  • Inanunsiyo ni Kapuso reporter at Miss Earth Philippines 2011 na si Athena Imperial na siya ay magiging ina na
  • Sinabi ni Athena na isang malaking biyaya ito dahil nagkaroon siya ng suliranin sa kanyang kalusugan bago magka-baby
  • Magkahalo ang nararamdaman ni Athena bilang isang first time mom pero excited na siyang makita ang anak

Masayang inanunsiyo ng Miss Earth Philippines 2011 at GMA News and Public Affairs journalist na si Athena Imperial na magkakaanak na sila ng asawang si Ben Rodriguez. Itinuturing ni Athena na isang malaking biyaya ang kanyang pagdadalang-ta0 dahil hindi madali ang pinagdaanan niya bago nagbunga ang kanilang pagmamahalan ng mister.

Sa pamamagitan ng isang Instagram post, sinabi ni Athena na limang buwan na ang sanggol sa kanyang sinapupunan. Blooming daw siya sa edad 33 dahil sa kanyang baby. Masaya si Athena dahil isang malaking biyaya ito dahil anim na buwan bago ang kanyang pagdadalang-ta0 ay may tinanggal na buk0l sa kanyang obary0.

Larawan mula sa Instagram account ni Athena Imperial

Ipinahayag din ni Athena sa post kung saan makikita ang baby bump niya na batid niyang hindi magiging madali ang pagpasok niya sa buhay ng pagiging isang ina lalo na’t isang siyang career woman. Alam niyang magkakaroon na siya ng pagbabago sa kanyang priorities at maging ang kanyang trabaho bilang isang mamamahayag ay maapektuhan ngunit handa siyang harapin ito dahil tiyak niyang mas masaya ang magpalaki ng anak kaysa sa anumang trabaho sa mundo.

“I had fears of what #motherhood would bring me — changes in my priorities, career, b0dy, and lifestyle. But the Lord’s grace has been unfolding wonders! I am embracing everything #pregnancy is giving me. Conceiving is a miraculous experience!” pahayag ni Athena.

Sinabi rin ni Athena na kailangan niya ng panalangin upang ligtas niyang maisilang ang kanilang anak ng mister na si Ben Rodriguez. Nakatanggap naman ng mga pagabti si Athena mula sa kanyang mga fans at ilang kasamahan sa trabaho dahil sa magandang balitang ito.

Larawan mula sa Instagram account ni Athena Imperial

Ikinasal sina Ben at Athena noong 2018. Naging pambato ng Pilipinas noong 2011 ang tubong Aurora na si Athena sa Miss Earth Philippines pageant kung saan siya ang naging kampeon. Nang sumabak naman sa Miss Earth 2011, nakoronahan siyang Miss Earth- Water o isa sa runners up ng competition.

Bago sumalang sa pageant, isang researcher at manunulat si Athena para sa ilang GMA News programs. Nang matapos ang reign bilang Miss Earth Philippines, naging isang ganap na Kapuso reporter na si Athena.

Loading…