Momshie Melai Cantiveros, ginagamitan pa rin ng kanyang ‘magic hanger’ ang mga anak pag ayaw mag-siesta

  • Trending sa social media ang tradisyonal ngunit epektibong paraan ni Melai Cantiveros sa pagpapatulog ng kanyang mga anak
  • Ipinakita niya ang larawan ng dalawang anak na tulog na katabi niya habang bitbit ang kanyang ‘magic hanger’
  • Maraming nanay at netizens naman ang naka-relate sa paluan moment na ito ng mag-iina para lamang mapa-siesta ang mga bagets

Isang malaking alaala ng ating mga kabataan ang pagpapatulog sa atin ng ating mga magulang tuwing hapon. Bilang isang bata, hindi mo batid ang magandang maidudulot sa iyo ng pagtulog sa hapon kaya naman ramdam mo ay isang parusa ito noong musmos ka pa lamang.

Kaya naman ang ating mga nanay ay mayroong iba’t ibang paraan para sa sapilitang pagpapatulog tuwing hapon. Ang iba ay laging hawak ang kanilang ‘armas’ na hudyat na kapag hindi ka natulog ay may dadamping pamalo sa iyong balat.

Larawan mula sa Facebook post ni Melai Cantiveros

At sa modernong panahon, tila maaasahan pa rin ng maraming magulang ang mahiwagang armas ng mga magulang. Maging ang isa sa mga pambansang momshie na si Melai Cantiveros- Francisco ay umaasa pa rin sa kanyang hanger upang mapilitang matulog ang kanyang mga anak.

Sa isang post ng kanilang official fan page ng asawang si Jason Francisco na Melason, makikita ang larawan ni Melai bitbit ang isang puting hanger katabi ang dalawang anak na sina Mela at Stela na natutulog na. Sabi ng caption, nang makita ng dalawang anak ang hanger ay nakatulog daw agad ang mga ito.

“Ganito ako magpatulog ng hapon. Tulog agad… Ma-thr0wback n’yo to Mela and Stela pag dalaga na kayo… L0ve you both,” sabi ng post.

Maraming mga ina at anak ang agad na naka-relate sa post ni Melai. Umabot na sa 45,000 reactions, 1,000 comments, at 1,700 shares ang larawan ng mag-iina sa oras ng siesta. Ayon sa mga magulang na nagkokomento, talaga naman daw epektibo pa rin ang ganitong istilo dahil tak0t pa rin sa palo ang mga bata ngayon.

Larawan mula sa Facebook post ni Melai Cantiveros

“Very effective yan para tulog agad… Ganyan din ginagawa ko sa anak ko… Tapos patay lahat ng ilaw para feeling gabi na,” pagbabahagi ng isang ina sa comment section ng post ni Melai.

Ang ilan namang nanay, ipinagmalaki rin ang larawan ng kani-kanilang mga ‘magic hanger.’ Mayroon ding mga nagbabahagi ng larawan ng mga anak nilang natutulog na epektibong napahimbing gamit ang kanilang mga ‘makapangyarihang armas.’

Loading…