Movie shoot ng Mission: Impossible 7 ni Tom Cruise sa Italy naapektuhan ng COVID-19

  • Filming ng Mission: Impossible 7 ni Tom Cruise sa Italy ipinagpaliban
  • Kaugnay ito ng dumaraming kaso ng COVID-19 sa Italy
  • Hindi nilinaw ng Paramount Pictures kung kailan muling sisimulan ang production

Ang planong three-week shoot sa Italy para sa bagong pelikulang Mission: Impossible 7 ni Tom Cruise ay ipinagpaliban dahil sa coronavirus (COVID-19) outbreak.

Scressnshot mula sa Mission: Impossible trailer

Ayon sa Paramount Pictures, noong Lunes, ika-24 ng Pebrero, sana ang simula ng movie shoot nila na gagawin sa Venice, kung saan kinansela rin ang huling dalawang araw ng annual Carnival festival kasunod ng pagtaas ng bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa Italy.

Binago raw nila ang kanilang production plan bilang pag-iingat sa kapakanan ng mga cast at crew, at pagtalima sa hakbang na ginagawa ng lokal na pamahalaan ng Venice na itigil ang mga public gatherings.

“Out of an abundance of caution for the safety and well-being of our cast and crew, and efforts of the local Venetian government to halt public gatherings in response to the threat of coronavirus, we are altering the production plan for our three week shoot in Venice, the scheduled first leg of an extensive production for Mission: Impossible 7,” pahayag ng Paramount Pictures.

Habang patuloy na minomonitor ng Paramount Pictures ang sitwasyon sa Italy ay pauuwiin muna ang mga artista at movie crew. Wala itong binanggit kung kailan muling sisimulan ang production.

Scressnshot mula sa Mission: Impossible trailer

“During this hiatus we want to be mindful of the concerns of the crew and are allowing them to return home until production starts. We will continue to monitor this situation, and work alongside health and government officials as it evolves,” ayon sa movie studio.

Kaugnay nito, ipinagpaliban din  ng Paramount Pictures ang movie release ng “Sonic The Hedgehog” sa China dahil nananatiling sarado ang mga sinehan sa bansa sanhi ng COVID-19.

Screenshot mula sa Sonic the Hedgehog trailer

Loading…