Nagmahal, nasaktan, nakahanap ng tunay na pag-ibig: Ang love story ng dalawang PWD

Imahe mula sa video ng iJuander via YouTube
  • Dalawang persons with disability ang pinagtagpo ng tadhana matapos ang mapapait na karanasan nila noon sa pag-ibig
  • Nakatakda nang ikasal sina Joel Fellizar at Cristina Dayon ngayong buwan
  • Pitong buwan nang buntis si Cristina

Bagama’t may tak0t nang magmahal muli dahil sa mapait na karanasan noon ay pinagtagpo ng tadhana ang dalawang persons with disability (PWDs) na nakatakda nang magpakasal ngayong buwan.

Imahe mula sa video ng iJuander via YouTube

Ibinahagi ng magkasintahan na sina Joel Fellizar at Cristina Dayon ang kanilang kuwento sa iJuander.

Si Joel, tatlong taong gulang daw nang magkaroon ng p0lio. Sa tulong ng therapy ay nakakaya niya nang igalaw ang kaniyang katawan ngunit kailangan pa rin niya ng saklay upang makalakad. Samantala, nabasag naman daw ang buto ni Cristina dahil sa pananakit sa kaniya ng kaniyang ama, dahilan upang hindi na siya makalakad noong siya ay walong taong gulang.

Bukod dito, pareho rin silang may masakit na pinagdaanan sa kanilang buhay pag-ibig. Sabi ni Joel, matagal siyang hindi nagkaroon ng nobya dahil ang huling nakarelasyon niya ay pinerahan lamang umano siya. “Parang natak0t na ako, nagkaroon na ng fear na baka ganoon na naman ang mangyari,” sabi niya.

Si Cristina naman, madalas daw saktan ng dating boyfriend sa tuwing malalasing ito.

Imahe mula sa video ng iJuander via YouTube

Nagkrus ang landas ng dalawa taong 2018 sa isang call center sa Antipolo. Saad nila, kahit naging magkaibigan ay hindi raw sila agad nahulog sa isa’t isa. Wala raw kasi sa plano ni Joel ang magmahal ng kapwa niya PWD noon.

“Kasi dati, ayoko talaga ng PWD, kasi ang nasa isip ko, PWD na nga ako, tapos kung PWD pa rin ang [nobya] ko, mag-aalagaan kaming dalawa,” sabi niya.

Bukod dito, napansin daw nila na tila magkaiba ang kanilang katangian. Si Joel daw kasi ay palakaibigan habang si Cristina naman ay tahimik lamang. Subalit tila tadhana na talaga ang naglapit sa kanila dahil si Joel daw ay naging housemate ni Cristina sa inuupahang apartment at dito na unti-unting nabuo ang kanilang pagmamahalan.

Noong nagsisimula pa lamang ang kanilang relasyon ay marami raw alinlangan si Joel lalo na at tuwing lumalabas sila ay tila lahat ng mata ay nakatingin sa kanila. Payo sa kaniya ni Cristina, ‘wag niyang isipin na negatibo ang nakikita ng ibang tao sa kanila.

“Every time na titignan ka ng tao, ang iisipin mo si positive. Huwag mong titignan na negative, kasi PWD ako kaya ako tinitingnan na ganun. Sabi ko, laging positive lang ‘yung iisipin mo,” sabi niya.

Matapos malagpasan ang lahat ng mga pagsubok ay handa silang simulan ang bagong yugto sa kanilang buhay kasama ang isa’t isa at ang kanilang magiging anak dahil ngayon ay pitong buwang buntis si Cristina.

Congratulations, Joel at Cristina!

Source :

iJuander

Loading…