Nagsuot din ba kayo ng friendship necklace noon?

Imahe mula sa Facebook | Harold Del Rosario Austria
  • Nauso noon ang pagbibigay ng friendship necklace bilang tanda ng pagkakaibigan
  • Napa-throwback ang mga netizens nang ibahagi ni Harold Austria ang larawan ng mga ito
  • Marami sa kanila ang hindi na nakakausap ang kanilang mga kaibigan, habang ang ilan naman ay nanatiling matatag ang pagkakaibigan

Naaalala mo pa ang nausong friendship necklace noon?

Makabubuo ng pus0 ang pendant ng mga kwintas na ito na naging simbolo ng tunay na pagkakaibigan ng mga bata noon.

Imahe mula sa Facebook | Harold Del Rosario Austria

Nanumbalik sa mga netizen ang kanilang childhood memories nang ibahagi ni Harold Del Rosario Austria ang larawan ng mga kwintas na ito sa Facebook. “Remember this? Ito yung binibili ninyo nung kaibigan mo kasi akala ninyo aabot kayo hanggang dulo,” sabi niya sa kaniyang post.

May mga naka-relate sa caption na ito dahil hindi na nila nakakausap ang may hawak sa kalahati ng friendship necklace.

Si Dawn, binigyan daw nito ang kaniyang kaibigan ngunit maaga itong binawian ng buhay. “Mars, I remember binigyan ko nito si Tutoy eh. Sampung piso pares niyan. Nakapanghihinayang lang na ang aga niyang nawala,” sabi niya sa kaibigan.

“Yung kwintas, nasa akin pa pero yung kahati ko sa kwintas, wala na,” sabi naman ni Roselle Toledo.

Imahe mula sa Facebook | Harold Del Rosario Austria

Ngunit kahit may ganitong mga karanasan ay marami pa rin ang nananatiling magkaibigan hanggang ngayon. Kasama na rito sina Julia M. at Angela B. “Ikaw lang binilhan ko kasi alam kong ikaw lang aabot [sa dulo],” sabi ni Julia.

“Nauna pang mawala ganiyan natin kaysa sa friendship natin,” sagot naman ni Angela.

Effective naman daw ang friendship necklace na ito sa magkaibigang sina Yagi at Krystal.

“Ewan ko lang kung naaalala mo pa pero meron tayo nito. Effective naman siya, in fairness, kasi friends pa rin tayo,” sabi ni Yagi. Kuwento ni Krystal, sumama raw ang loob niya nang mawala niya ang kwintas niya. “Okay lang. Hindi ko na rin mahanap yung sa akin so it’s a tie. Ang importante, ito pa rin tayo,” sagot ni Yagi.

Nanatili bang matatag ang pagkakaibigan ninyo ng binigyan mo ng kapares ng kwintas na ito noon?

Source :

Facebook

Loading…