Naka-quarantine na rin: Kilalanin ang “Brave 5” ng DOH na sumundo sa mga Pinoy sa Wuhan

  • Isinailalim din sa quarantine ang limang medical team na ipinadala ng DOH para sunduin ang mga Pinoy sa Wuhan
  • Ang lima ay tinaguriang “Brave 5”
  • Maituturing na bayani ang lima dahil sa ipinakitang katapangan na magtungo sa sentro ng nCoV

Tulad ng 30 overseas Filipino workers na sinundo nila sa Wuhan City na sentro ng novel coronavirus (nCoV), ang tinaguriang “Brave 5” medical team na ipinadala ng Department of Health (DOH) ay isinailalim din sa 14-day quarantine.

Imahe mula sa DFA

Maituturing na bayani ang lima dahil hindi biro ang ipinakita nilang katapangan na sunduin at saklolohan ang mga Pinoy na naipit sa Wuhan City na nasa ilalim ng lockdown.

Bilang isang quarantine Officer V, si Dr. Neptali Labasan ang napisil na isa sa ipadala sa ginawang pagsundo sa mga OFWs. May kaunting kaba siyang naramdaman sa pagtungo sa China, subalit ganoon naman daw talaga ang trabaho niya.

“Medyo may konting kaba pero ito talaga ang trabaho ­namin sa gobyerno at lagi kaming nasa frontline, nagkataon lang na ako ang napiling ipadala pero ‘yung apat kong kasama ay mga volunteer,” ani Labasan na labing-apat na taon nang quarantine officer.

Aniya, naka-quarantine sila ngayon sa Athlete’s Village sa New Clark City kasama ang mga sinundo nilang mga Pinoy sa Wuhan. Maayos naman umano ang kalagayan ng lahat at naibibigay ang mga pangangailangan nila.

“Mabuti naman po kami dito, baka tumaba kami paglabas namin,” biro ni Dr. Labasan.

Screenshot mula sa ABS-CBN

Ang apat niyang kasama sa medical team ay pawang mga volunteers, kabilang sina Dr. Oliver ­Macalinao, ­isang pediatrician sa San Lorenzo Ruiz ­General ­Hospital sa Santulan, ­Malabon; si ­Rowell ­Divinagracia, nurse sa Philippine Heart Center.

Kasama rin sa “Brave 5” team sina Jay Juan na isa ring nurse DOH-Health ­Emergency Management?Bureau at si Elmer Callong na isang medical technologist sa Philippine Heart Center.

Ipinagmalaki ni  DOH Undersecretary Gerardo Bayugo na ang “Brave 5” ay pawang may karanasan sa emergency response at infection prevention and control.

Imahe mula sa DFA
Source :

MSN, Facebook

Loading…