Nakakita ka na ba ng mga punong kulay “rainbow”?

  • May mga puno pala na kulay–bahaghari o rainbow ang bark o balat ng katawan nito
  • Tinatawag ang naturang puno na Eucalyptus deglupta o Rainbow Eucalyptus tree, na makikita sa mga bansang Papua New Guinea, Indonesia, at dito sa Pilipinas
  • Makikita ito sa mga rainforests sa Mindanao na tinatawag namang “Bagras”

Nakakita ka na ba ng mga puno na kulay–bahaghari ang katawan?

Kung hindi pa’t inaakalang walang ganitong uri ng punong nakatanim sa alinmang panig ng mundo, diyan ka nagkakamali. Tinatawag ang naturang puno na Eucalyptus deglupta o Rainbow Eucalyptus tree, na makikita sa mga bansang Papua New Guinea, Indonesia, at dito sa Pilipinas.

Public Domain Image

Tila kulay ng isang bahaghari ang mga balat ng punong ito, lalo na kung tatanawin mula sa malayo. Mistula itong pinintahan ng isang mahusay na pintor. Pagdating naman sa amoy, ito ay nagtataglay ng tipikal na aroma ng isang eucalyptus, katulad ng Vick’s Vapo rub, na nakatutulong sa pagrerelaks at pagpapahupa ng damdamin.

Napipigilan din umano nito ang polusyon sa hangin. Ayon  sa isang eksperto, “Trees that exfoliate or discard their bark like the Rainbows, actually are used as street plantings in areas of heavy pollution. The bark that is sloughed off is actually discarding accumulated air pollution that is captured there.”

Bukod sa mga bansang nasa Pasipiko, kinu–cultivate na rin ito sa mga bansang Hawaii, at sa ilang lugar sa United States of America tulad ng California, Florida, at Texas. Sa Pilipinas, matatagpuan ang mga punong ito sa mga kagubatan ng Mindanao, na tinatawag na “Bagras”.

Ayon sa mga eksperto, mabilis lumaki at lumago ang Bagras, sa taas na 250 talampakan. Kadalasan itong nabubuhay sa mga bansang may klimang tropikal, o temperaturang nagtataglay ng hindi bababa sa 50 F (o 10 C.).

Isa itong pagpapatunay ng magandang biodiversity sa ating bansa na kailangang pangalagaan upang makita pa ng mga susunod na henerasyon!

Public Domain Image

Loading…