Napagtanto ni Heart Evangelista habang tumatanda: “Birthday wishes become simpler”

  • Nagdiwang ng kaniyang ika-35 kaarawan ang aktres at visual artist na si Heart Evangelista
  • Magkasama nilang sinalubong ng mister na si Governor Chiz Escudero ang kanyang kaarawan
  • Ibinahagi naman ni Heart sa kaniyang Instagram account kung ano ang napagtanto niya sa buhay habang siya ay tumatanda

Hindi lamang Valentine’s Day ang ipinagdiriwang ng mag-asawang Heart Evangelista at Chiz Escudero tuwing Pebrero 14. Espesyal ang araw na ito sapagkat ito rin ang araw ng kapanganakan ng aktres.

At sa taong ito, ipinagdiwang ng mag-asawa ang ika-35 kaarawan ni Heart.

Imahe mula sa Facebook page ni Heart Evangelista

Sa isang Instagram post, ibinahagi ng aktres ang kaniyang napagtanto sa buhay habang siya ay tumatanda.

“Each year I grow older, the birthday wishes become simpler,” makahulugang caption ni Heart sa larawan kung saan kasama niya ang mister.

Makikita sa larawan na siya ay nakapikit at tila nagdarasal na magkatotoo ang kaniyang mga kahilingan.

Kaugnay rito, may mga paniniwala at manipesto na habang tumatanda ang isang tao ay nagbabago ang mga pananaw nito sa buhay. Nagiging mas payak din ang kaniyang mga kahilingan at kagustuhan.

Ayon sa isang pag-aaral ng Northwestern University, mas nakatuon umano ang kabataan sa kanilang mga pangarap sa buhay at hindi sa kanilang mga responsibilidad.

Ngunit kapag nagkakaedad na ang isang tao, mas nakatuon na lamang ito sa mga bagay na mayroon siya at hindi sa mga bagay na wala siya. Mas binibigyan na rin niya ng importansiya ang relasyon niya sa mga taong pinakamalalapit sa kaniyang buhay.

Samantala, isang candlelight dinner ang hinanda ng mag-asawa para sa kaarawan ni Heart. Sinalubong nila ang kaarawan kasama ang malalapit na tao sa kanilang buhay.

Imahe mula sa Facebook page ni Heart Evangelista

“Birthday salubong with these amazing people. Couldn’t have spent my 35th birthday better than this. It was a night filled with fun, laughter, and love. Thank you to everyone who greeted me too!” pahayag pa ng aktres.

Sa mga sumusubaybay kay Heart, kapansin-pansin kung gaano ito nag-mature sa iba’t ibang aspeto ng kaniyang buhay. Malaki umano ang naging impluwensiya ni Chiz sa magagandang pagbabagong ito sa buhay ng aktres.

Loading…