Naranasan mo rin bang isuot ang tsinelas sa braso para mas bumilis ang takbo?

Imahe mula sa Facebook | Batang Pinoy - Noon at Ngayon
  • Binalikan ng mga netizens ang kanilang childhood sa post ng isang Facebook page
  • Ipinalala nito ang paniniwala ng mga bata noon na mas mabilis ang kanilang takbo kapag inilalagay ang tsinelas sa siko
  • Marami ang naka-relate din at nagbahagi ng kaniya-kaniya nilang karanasan

Sinariwa ng netizens ang kanilang pagkabata sa isang post na ibinahagi ng Facebook page na Batang Pinoy – Noon at Ngayon.

Imahe mula sa Facebook | Batang Pinoy – Noon at Ngayon

Makikita rito ang mga batang isinusuot ang kanilang tsinelas sa braso habang tumatakbo. “[May] paniniwalang mas bibilis ang takbo mo ‘pag ang tsinelas ay nasa kamay o braso,” sabi nito sa caption.

Kaniya-kaniyang pagbabahagi ang mga netizen ng kanilang karanasan lalo na at naka-relate sila rito. Sa kasalukuyan ay may 4k reactions na ang post.

Kuwento ni Eric S., naniniwala siyang mas mabilis ang takbo kapag nasa braso ang tsinelas dahil nadudulas ang paa kapag nakasuot ng tsinelas. “Ganiyan ako noon, pero simula nang magkapaltos ang paa ko, hindi na ako naghuhubad ng tsinelas. Umiiwas na lang ako sa habulan,” aniya.

Si Cel M. naman, naniniwala rin daw na nakatutulong ito upang bumilis ang takbo. Ngunit madalas daw siyang mapagalitan noon dahil sa ginagawang ito. “Kailan pa raw natutong mag-tsinelas ang siko?”

Imahe mula sa Facebook | Batang Pinoy – Noon at Ngayon

Hindi naman daw alitana nina Shiela D. at ng kaniyang mga kalaro ang gumulong at magkadapa-dapa noon basta’t may anting anting na tsinelas sa braso.”Noong araw effective yan,lalo na kapag after manood ng Shake Rattle and Roll. Takbuhan nang mabilis,” komento niya.

Ang bunsong kapatid naman ni Jam D., iba ang dahilan kung bakit inilalagay ang tsinelas sa braso kapag tatakbo. “Para raw hindi kaagad maluma. Kasi noong araw, swerte na kung mabilhan kami ng tsinelas,” sabi niya.

Nagbiro naman si Don B. na ang kaugaliang ito raw ay tila nadala ng mga nagmomotor ngayon. “[Tingin nila] mas safe sila pag nasa siko ang helmet. Ang tawag doon ay ‘elbow over head,'” saad niya.

Naranasan mo rin bang tumakbo nang mabilis sa tulong ng tsinelas sa siko?

 

Source :

Facebook

Loading…