‘Nasa legal age na:’ Mommy Pinty, hindi raw pipigilan ang kasal nina Alex at Mikee

Imahe mula sa Instagram | Alex Gonzaga
  • Tinanong si Mommy Pinty Gonzaga kung pipigilan niya ba ang kasal nina Alex Gonzaga at Mikee Morada
  • Sagot niya, hindi siya haharang dito lalo na at nasa tamang edad na ang dalawa kaya ang tanging magagawa niya lamang ay magpayo
  • Kamakailan lamang ay naganap ang secret wedding nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, habang si Alex Gonzaga naman ay engaged na kay Mikee Morada

Sinagot ni Mommy Pinty Gonzaga kung pipigilan niya ba ang kasal ng anak niyang si Alex Gozaga sa fiancé nitong si Mikee Morada.

Imahe mula sa Instagram | Alex Gonzaga

Bagama’t hindi nakuhanan ang buong tanong, maririnig sa video na ini-upload sa YouTube channel na Pinoy New Channel na tinanong si Mommy Pinty kung pipigilan niya ba ang kasal ni Alex kay Mikee. Paliwanag ni Mommy Pinty, hindi niya raw ito gagawin lalo na at nasa legal age na ang anak.

“Mag-aadvice lang kami. Kasi ano eh, nasa legal age na,” sabi niya.

Naging usap-usapan kamakailan ang secret wedding nina Sarah at Matteo. May mga ulat kasi na sinunt0k ni Matteo sa lalamunan ang close in security ng asawa matapos na hindi inaasahang dumating sa venue ang Mommy Divine upang kausapin daw ang anak.

Imahe mula sa video ng ABS-CBN News via YouTube

Sa isang panayam, itinanggi naman ni Matteo ang insidente na ito at sinabing wala siyang sinunt0k.

Itinanong kay Mommy Pinty ang sitwasyong ito dahil ang kaniyang bunsong anak na si Alex ay na-engage na sa boyfriend niyang si Mikee Morada Disyembre noong isang taon matapos ang tatlong taon bilang magkasintahan.

Ibinahagi ni Alex ang good news na ito sa pamamagitan ng pagpo-post ng larawan sa Instagram noong kaniyang kaarawan. Makikita rito ang kaniyang engagement ring habang nakayakap kay Mikee.

“Thank you for all your birthday greetings! I feel LOVED. Thank you, Jesus!,” sabi niya sa caption.

Nakuhanan din sa kaniyang vlog ang simpleng proposal ni Mikee na naganap sa Hong Kong at nasaksihan nina Mommy Pinty at Daddy Bonoy.

Source :

YouTube, YouTube, Kami

Loading…