Naunsyaming pangarap: 16 police trainees na nag-inuman sa barracks hindi na papayagang maging pulis

  • Nasayang ang pagod at pangarap ng 16 police trainees matapos silang sibakin
  • Hindi na panunumpain bilang mga bagong pulis ang mga nag-inumang trainees sa barracks
  • In-upload ng trainees sa social media ang mga larawan ng kanilang selebrasyon

Nabalewala ang pagod at pangarap ng labing-anim na police trainees matapos silang sibakin at hindi na payagang maka-graduate dahil sa pag-iinuman nila sa loob ng barracks sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Imahe mula sa Abante

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Major Debold Sinas, ang labing-anim na trainees ay hindi na isinama sa graduation rites ng mga nagsipagtapos ng training dahil sa kanilang misbehavior.

“While the investigation is on-going and pending for the convening of Academic Board and due process, these police trainees are temporarily held in abeyance and not included in the list of Graduates for February 10, 2020,” ani Major Sinas.

Ang mga trainees ay nag-inuman upang ay i-celebrate umano ang pagtatapos nila ng training na ginawa sa National Capital Region Training Center sa loob ng Camp Bagong Diwa. Tila hindi pa nakuntento, in-upload pa ng mga trainees sa social media ang mga larawan nila.

Hindi na umano sila makapanunumpa bilang mga bagong pulis dahil sa kanilang misconduct.

Sinabi ni Major Sinas na sana ay magsilbing babala ito sa mga nangangarap na maging law enforcers.

“The new breed of Metro cops should not only be physically fit, emotionally balanced, mentally sharp, morally upright but most of all, perpetually disciplined,” aniya.

Imahe mula sa PNP

Kaugnay nito, ipinag-utos ni Philippine National Police chief General Archie Gamboa na alisin sa puwesto si National Capital Region Training Center (NCRTC) Director Lieutenant Colonel Nelvin Ricohermoso dahil sa insidente.

Bukod kay Ricohermoso, labing-apat pang police officers na kabilang sa traning group ng NCRTC ang sinibak na rin sa kanilang posisyon.

Imahe mula sa NCRTC
Source :

GMA Network, RMN

Loading…