NBI, tutugisin ang mga nagpapakalat ng ‘fake news’ tungkol sa nCoV

Imahe mula sa Facebook at Unsplash
  • Tutugisin ng National Bureau of Investigation ang mga nagpapakalat ng fake news tungkol sa 2019 novel coronavirus
  • Ito ay matapos na maglabas ng department order si Justice Secretary Menardo Guevarra na nag-aatas sa NBI na gawin ito
  • Ang mga maling impormasyong ito raw kasi ay maaaring makapagdulot ng panic sa publiko

Inatasan ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang National Bureau of Investigation (NBI) na suriin ang mga kumakalat na ‘fake news’ sa gitna ng banta ng 2019 novel coronavirus (nCoV) at alamin kung sino ang mga nasa likod ng mga ito.

Imahe mula sa DFA

Binigyan ni Guevarra ang NBI, sa ilalim ng pamumuno ng kanilang direktor na si Dante Gierran, ng pahintulot na mag-imbestiga at gumawa ng case build up sa sinumang nagpapakalat ng maling impormasyon tungkol sa nCoV.

“And, if evidence warrants, to file the appropriate charges against persons found responsible therefor,” sabi niya sa inilabas na department order.

Ayon kay Justice Undersecretary at spokesman Markk Perete, magsasampa sila ng kas0 depende sa mga makakalap nilang ebidensya habang nagsasagawa ng imbestigasyon.

“All leads will have to be considered, including those presented at the Senate,” sabi ni Perete.

Dagdag niya, mahalagang mapigil ang pagkalat ng fake news upang hindi makapagdulot ng panic sa publiko. “Laws exist to ensure, among others, public order and safety. Upholding such laws becomes even more important when circumstances that agitate the public emerge. Persons who unnecessarily aggravate such agitation through actions violative of our laws cannot be allowed to unjustly claim protection under the basic guarantees of our Constitution. To hold otherwise will invite cha0s and disorder,” sabi niya.

Imahe mula sa Facebook

Kamakailan lamang ay kumalat ang maling impormasyon sa social media na nag-lockdown ang East Avenue Medical Center dahil daw may dalawang Chinese na persons under investigation dito at tatlong mga empleyado ang nakitaan ng sintomas ng coronavirus.

“DOH flags the circulating message regarding the lockdown of East Avenue Medical Center as fake. EAMC is continuously providing healthcare services to the public at the OPD, Ward and ER Departments,” sabi ng Department of Health (DOH).

Samantala, makikipag-ugnayan din daw ang NBI sa DOH para tumulong sa contact tracing ng mga taong nakasalamuha ng mga nagpositibo sa nCoV.

“Coordinate with the Department of Health and provide such technical assistance as may be needed by the said agency in the contact tracing of individuals with the 2019-nCoV ARD, especially passengers who were on board the same flights as the Philippines’ two confirmed 2019-nCoV ARD cases,” saad sa department order.

Loading…