Netizen hinggil sa pagtuturo: “Delivery is as important as the content”

  • Isang netizen ang nagsabing “delivery is as important as the content” pagdating sa pagtuturo
  • Kaugnay ito ng isang pinag–usapang Twitter post
  • Halo–halo naman ang naging komento ng mga netizens hinggil dito

Isa sa mga dakilang propesyon, kung hindi man pinakadakila, ang pagiging guro. Tinatawag na “panday ng kaalaman”, ang mga guro ay tumatayong pangalawang magulang sa kabataan na tinagurian namang “pag–asa ng bayan”, ayon nga kay Gat Jose Rizal.

Isang screenshot ng Twitter post hinggil sa pagtuturo ang ibinahagi ng netizen na si “Ichan Arranz”. Ayon sa kaniyang Facebook post, “I do believe that delivery is just as important as the content, and that being excellent at your field does not mean you’re an excellent teacher – a lot effort, work, practice is needed. Because at the end of the day, it’s about your students’ learning.”

Imahe mula sa Facebook account ni Ichan Arranz

Ang tinutukoy na Twitter post ay mula sa user na nagngangalang “Piyo_Yuel”. Nakasaad sa post ang ganito: “Some of my HS teachers , most of whom are BSED degree holders, can teach better than these MA/Ph.D holders. Why? Pe–da–go–gy.”

Sa pagpapatuloy: “Anyone handling a class should know how to teach, not just what to teach. Your expertise is useless in a classroom if you don’t know how to impart it.”

Iba–iba naman ang reaksyon at komento ng mga netizens hinggil dito. May mga sumang–ayon at may mga hindi sumang–ayon.

Sabi ng isa, “What if the MA/PhD holder wishes to pursue the lesson andragogically and not pedagogically? Edi hindi na magaling? Considering what he said that some of the HS teachers with BSEd are better because of pedagogy.”

“The tweet indicated ‘some’ of his/her teachers in HS but then generalized all the post–graduate degree holders. Not all HS teachers are better than ‘these’ post–graduate degree holders and not all post–graduate degree holders are better than HS teachers,” ayon naman sa isa.

Public Domain Image

Turan naman ng isa, “As a teacher na baguhan at hindi MA/ Ph. D holder, isa lang masasabi ko. Gumawa ka ng mali, may masasabi ang bata, gumawa ka ng tama, may masasabi pa rin ang bata. This kind of post is non–sense by the way. there’s no room for comparison when it talks about teachers. Mahirap maging estudyante, pero mas mahirap ang magturo.”

Ang pedagogy ay tumutukoy sa pag–aaral kung paano maililipat ang kaalaman at kasanayan sa pamamagitan ng pagtuturo, mula sa isang guro patungo sa kaniyang mga mag–aaral.

May post–graduate degree man o wala, iisa lamang ang nararapat: Ang isang mabuti at mahusay na guro ay kapakanan ng mga mag–aaral ang iniisip, lalo na sa pagkatuto.

Source :

Twitter, Facebook

Loading…