Netizen, ibinahagi ang kaniyang paraan ng pag-take out ng pagkain

  • Ibinahagi ng isang netizen ang paraan niya ng pag-take out ng pagkain
  • Inilagay niya ang isang piraso ng fried chicken sa plastic glove
  • Ginagamit ang plastic gloves sa pagkakamay kapag kumakain

Mahilig kumain ang mga Pilipino. Patunay riyan ang mga naglipanang kainan at restaurant sa bawat panulukan. Kahit saan ka lumingon, makakakita’t makakakita ng mga lugar na maaaring makapagpapawi sa cravings at kumakalam na sikmura. Kaya naman nagsulputan ang mga kainang may promo o offer na “buffet” at “unlimited”.

Kung busog na at hindi na kayang ubusin ang pagkain, kadalasan itong tine–take out. Subalit may mga kainan o restaurant, lalo na ang mga buffet type, na ipinagbabawal ang pagkakaroon ng mga tira, o pag–uuwi ng pagkain. Subalit isang netizen na nagngangalang “Don Simon” ang nagbahagi ng kaniyang paraan ng pag–take out ng pagkain. Batay sa kaniyang Facebook post, isinilid niya ito sa plastic gloves na ginagamit sa pagkain nang nakakamay.

Imahe mula sa Facebook account ni Don Simoun

Nagmistulang “tip” ito sa mga mahilig kumain at mag–take out. Nagbigay naman ng komento rito ang mga netizens.

“Kakatuwa naman hahaha. Nagkaroon tuloy ako ng ideya kung paano mag–uuwi ng pagkain hahaha. Sayang kasi ang mga tira kung hindi maiuuwi sa bahay. Kaysa naman sa itapon, puwede itong ibalot at ipakain na lang sa mga pets,” sabi ng isa.

“Astig ito ahhh… sa totoo lang kasi, hindi naman lahat ng pagkain sa mga buffet at unlimited type ay masasarap. Yung iba, sa hitsura lang masarap tingnan pero sa lasa, walang kuwenta,” turan naman ng isa.

Pagbabahagi naman ng isa. “Ginawa ko na iyan before. Sa tissue ko naman inilalagay. Awa ng langit hindi pa naman ako nahuhuli, hahahaha. Nakakahinayang din naman kasi kung itatapon na ang food sa mga basurahan. Maraming taong walang makain at nagugutom kaya bawal magsayang ng pagkain.”

“Sana pwedeng magawa iyan sa mga samgyeopsalan no? Panalo kapag ganoon!” bulalas naman ng isa.

Public Domain Image

Ang pag–take out ng pagkain ay nangyayari din, hindi lamang sa mga tirang pagkain sa restaurant, kundi maging sa mga pagtitipon tulad ng binyagan, kaarawan, at marami pang iba. Tila nakaugalian na ang akto ng pag–uuwi ng pagkain ng isang bisita sa kaniyang pag-uwi, kaya ang ilan ay awtomatikong nagdadala ng lalagyanang plastik. Wika nga, “Onli in da Pilipins”.

Source :

Facebook

Loading…