Netizen, ibinahagi ang mga larawan ng sweet ‘date’ kasama ang kanyang alagang pusa

  • Ipinasilip ng isang netizen ang ilang mga kaganapan sa special “date” niya noong Valentine’s Day
  • Sa mga larawang kaniyang ibinahagi, makikita ang kaniyang saya matapos “maka-date” ang kaniyang alagang pusa
  • Agad namang nag-viral ang post at umani ng iba’t ibang reaksiyon sa social media

Viral sa social media ang kakaibang pagdiriwang ng isang netizen kasama ang kaniyang “special someone” noong Valentine’s Day.

Imahe mula kay Marina Bautista | Facebook

Sa mga larawang ibinahagi ng netizen na nagngangalang Marina Bautista sa Facebook noong February 15, makikita ang kaniyang saya matapos maka-date ang kaniyang alagang pusa sa Araw ng mga Puso.

Marami ang naaliw sa post nito lalo pa’t makikita na enjoy ang dalawa sa piling ng isa’t isa.

Mapapansin din sa mga larawang in-upload ni Marina sa Facebook na talaga namang pinaghandaan niya ang kaniyang Valentine’s date kasama ang kaniyang alagang pusa na kinilala sa tawag na “Shiva.”

Maliban sa pagpili nito ng magandang damit para sa sarili, pinag-isipan din ng netizen ang suot ni Shiva. Cute na cute ang alaga nito sa mga larawan suot ang pulang bow.

Nagpamalas rin ng ka-cute-an si Shiva matapos mag-pose kasama ang kaniyang Meowmy sa mga larawan.

Dahil sa nakaaaliw na bond at sweetness ng dalawa sa kanilang Valentine’s date, maraming netizens ang nagpahayag ng kanilang pagkatuwa sa comment section.

“This is the cutest post I’ve seen today!” ani LC.

“Napakasweet naman ni Shiva. Pwede ba ako post Valentine’s date mo next year. Dadalhan kita treats, wet food, vitamins. Please?” mensahe ng netizen na si RLB para sa pusa.

I-click ang imahe para makita ang buong post

“Sweetest and best date indeed! Happy hearts day Shiva and Meowmy!” pagbati ni JR.

“Kaway-kaway sa mga lalaking gustong maging pusa,” pabirong sabi naman ni ZR sa comment section.

Sa kasalukuyan ay umani na ang post ng mahigit 7,000 reactions. Mayroon na rin itong higit 6,100 shares sa Facebook.

Source :

Facebook

Loading…