Netizen, ipinasilip ang kalagayan ng Taal matapos itong ibaba ng PHIVOLCS sa Alert Level 2

  • Viral sa social media ang mga larawan kung saan makikita ang kasalukuyang kalagayan ng bunganga ng Bulkang Taal
  • Ibinahagi ito ng netizen na siyang naglakas-loob na lumapit sa crater matapos ibaba ng PHIVOLCS sa Alert Level 2 ang lugar
  • Iba’t iba naman ang naging reaksiyon ng netizens hinggil sa nangyaring pagpapasilip sa kinalabasan ng bulkan matapos ang naganap nitong pag-albur0to

Matapos ang higit isang buwan mula nang mag-albur0to ang Bulkang Taal, nagsipagbalikan ang ilang mga residente sa kani-kanilang bayan sa probinsiya ng Batangas.

Kasunod ito ng pagbaba ng Philippine Institute of V0lcanology and Seismology o PHIVOLCS sa alert level ng Taal v0lcano.

Imahe mula kay CJ Martinez | Facebook

Sa Facebook naman noong February 17, lakas-loob na ibinahagi ng isang netizen ang kasalukuyang kalagayan ng bunganga ng Bulkang Taal mula mismo sa dati nitong view deck na siyang tambayan ng mga turista at mga lokal na naghahanapbuhay sa lugar.

Viral ang post ng netizen na kinilalang si CJ Martinez matapos niyang i-upload ang ilang mga larawan mula mismo sa kinalalagyan niyang lugar malapit sa Taal crater.

Makikita sa litrato ang laki ng pinagkaiba ng itsura ng Taal bago at matapos ang pag-albur0to nito. Kung dati ay may makulay na tanawin at napalilibutan pa ito ng mga puno, ngayon naman ay makikitang binalot na ito ng ab0 at halos natuyo na rin ang lawa na nasa gitna nito.

Sa hiwalay na post ng netizen, matatanaw naman na mayroon pa ring steam na lumalabas sa bulkan na siyang senyales na hindi pa rin tuluyang humuhupa ang pag-init sa ilalim nito.

Iba’t iba tuloy ang naging reaksiyon ng netizens hinggil sa nangyaring pagpunta ni CJ malapit sa crater.

Marami ang nalungkot matapos makita ang laki ng pagbabago sa anyo at itsura ng Bulkang Taal. May ilan rin na nag-alala para sa kalagayan ng binatang naglakas-loob na magpunta malapit sa tinaguriang “danger zone.”

 

Imahe mula kay CJ Martinez | Facebook

Matatandaan na noong February 14, inanunsiyo ng PHIVOLCS ang pagbaba ng alert Level status ng Taal.

Mula sa dating Alert Level 3, ginawa na itong Alert Level 2 ng mga eksperto dahil sa paghina ng aktibidad na ipinapakita ng bulkan. Gayunpaman, patuloy ang monitoring ng ahensiya sa lugar lalo na’t pinaniniwalaang hindi pa rin tuluyang nawawala ang banta mula rito.

Loading…