Netizen, may limang “hugot” sa MMK episode na pinagbidahan ng “JoshNella”

  • Nagbigay ng limang hugot o aral ang isang netizen hinggil sa MMK episode na pinagbidahan ng Joshnella
  • Ang JoshNella ay tambalan nina Joshua Garcia at Janella Salvador
  • Nagsimula ang tambalan nina Joshua at Janella sa teleseryeng “The Killer Bride”

Isa sa mga “breakthrough” love team na kinakikiligan ngayon ang “JoshNella” na binubuo nina Joshua Garcia at Janella Salvador na unang nabuo sa teleseryeng “The Killer Bride”. Buhat sa kani–kanilang mga dating tambalan, talaga namang kinagat ng publiko ang kanilang team up.

Kaya naman, hindi napigilang “humugot” ng isang netizen sa isang episode ng longest–running drama anthology na “Maalala Mo Kaya” noong Sabado ng gabi, Pebrero 22, 2020 kung saan bumida ang JoshNella. Makikita ito sa Facebook post ng isang user na may pangalang “Autumn Serenade”.

Imahe mula sa official Instagram account ng MMK

Nagbigay siya ng limang hugot o aral na nakuha niya mula sa episode. Una, lahat daw ng uri ng relasyon ay nangangailangan ng kalayaan, subalit may limitasyon.

“Every relationship needs freedom, not all actions need to be informed. Learn to have enjoyments, free time with yourself. But there should be a limitation behind those actions,” ayon sa unang hugot.

Pangalawa, ang pagtitiwala at pagtanggap ay dalawa sa mga rason kung bakit nagkakaroon ng maayos at mabungang pakikipagrelasyon. Kailangan daw maging mature sa paghawak nito.

“Trust and Acceptance are one of the main reasons to gain a healthy relationship. Be matured enough to handle your relationship, you should trust his/her actions. And accept that you are not the only her/his priorities,” ayon sa pangalawang hugot.

Pangatlo, kailangan daw maging bukas ang dalawa sa mga suliraning kinahaharap nila, at kung maaari, iresolba o solusyunan ito nang magkatuwang.

“Open up your problems and solved. Learn to open up both sides, never let your partners feel the words ‘okay lang ako’ even deep inside ‘nasasaktan na ako’,” ayon sa pangatlong hugot.

Public Domain Image

Pang–apat, huwag gagamitin ang ibang tao kapag malungkot o nasasaktan. “Never use someone when you are broke,” ayon sa pang–apat na hugot.

At panghuli at panlimang hugot, “Lastly, When you are tired, never give up and give final decisions. Learn to rest, talk with her/him. That’s the reality when you are in love. There will be ups and downs, learn to be a fighter not a quitter.”

Ang kuwento ng pag–iibigang isinabuhay ng JoshNella ay ang relasyon nina Aira at Jayson na nagkakilala sa kanilang paaralan dahil pareho silang miyembro ng cheering team. Tatlong taon ang kanilang naging relasyon at pareho pa silang tanggap ng kani–kanilang mga pamilya.

Subalit wala talagang perpektong relasyon. Nagkalabuan sila na humantong sa paghihiwalay.  Muli silang nagkabalikan matapos ang ilang taon dahil mahal pa rin nila ang isa’t isa.

Loading…