Netizen na kumasa sa hamon ng pag–iipon: “Flex ko lang community impok challenge namin”

  • Itinampok ng isang netizen ang kanilang community impok challenge
  • Nakalikom sila ng 300,000 pesos
  • Nalugod naman ang marami sa kaniyang ibinahagi at nais nila itong gayahin

Sa panahon ngayon ng kalamidad at banta sa kalusugan, makabubuting may mahuhugot na pera lalo na sa panahon ng mahigpit na pangangailangan. Kaya naman, uso na ang iba’t ibang paraan ng pag–iimpok, magmula sa mga simpleng alkansiya hanggang sa mga bangko, ginagawa na halos ng lahat ang “impok challenge”.

Ngunit isang naiibang impok challenge ang pinag–uusapan ng mga netizens. Ito ay ang “community ipon challenge” na ibinahagi ng isang nagngangalang “Lito Bonajos” sa Facebook page na “CHINK+IPONARYOS” na ginawa ng kilalang financial expert na si Chinkee Tan.

Ayon sa kaniyang Facebook post, “Flex ko lang community impok challenge… almost 300,000 pesos impok in a year… students, workers, senior citizens, and others…”

Imahe mula sa Facebook account ni Lito Bonajos

Makikita sa mga larawang ibinahagi ng netizen na isang komunidad ang sama–samang nag–ipon at nakalikom ng kabuuang 300, 000 piso na mukhang paghahati–hatian ng lahat. Itinatago ito sa isang nakakandadong vault na tila gawa sa kahoy. Napahanga ang mga netizens, maging si Chinkee Tan sa naturang akto ng pag–iipon.

“Napakagaling naman po. Hindi lamang iisa kundi sama–samang pag–asenso. Maganda ang ideyang ito. Isa para sa lahat, lahat para sa isa. God bless you all po!,” hangang sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “May pino–propose na ganito sa opisina namin, sana ma–approve ng management. Hindi puwedeng mapag–iwanan ang isa.”

“Maganda ang ganitong ideya ng sama–samang pag–iimpok. Nakaka–motivate na mag–ipon kapag alam mong marami kang katuwang. Sana lang, mapagkakatiwalaan ang mga hahawak ng pera,” komento naman ng isa.

Imahe mula sa Facebook account ni Lito Bonajos

Mensahe naman ng isa, “Sa panahon ngayon, kailangan talagang may naitatabing salapi para sa panahon ng kagipitan, tiyak na may makakapitan.”

Ayon nga sa mga financial expert, wala sa trabaho ang kapasidad ng tao upang makapag–ipon kundi nasa tamang attitude sa paggasta ng kaniyang natatangap na pera. Maliit man o malaki ang perang natatanggap mula sa suweldo o kita sa negosyo, ang mahalaga’y nakapag–iimpok kahit pakonti–konti.

Source :

Facebook

Loading…