Netizen na walang sariling ref, sa rice cooker muna inilagay ang mga naipong ref magnet

Imahe mula sa Facebook | Che Sev
  • Isang netizen ang kinaaliwan dahil sa pagbabahagi kung saan niya inilalagay ang kaniyang mga naiipong ref magnet dahil wala pa siyang ref
  • Sa Facebook page na DIY Travel Philippines, ipinakita niya ang rice cooker na may iba’t ibang ref magnet
  • Paalala naman ng isang nagkomento, hindi ligtas ito kaya agad na tinanggal ng uploader ang mga ref magnet sa rice cooker

Tuwing pupunta sa isang lugar, madalas na may uwing souvenir ang mga Pilipino lalo na kapag unang beses nilang nakarating dito. Ilan sa mga karaniwang iniuuwi ay t-shirt, key chain, at ref magnet.

Imahe mula sa Facebook | Che Sev

Ang netizen na si Che Sev, mahilig mangolekta ng mga ref magnet ngunit dahil wala pang sariling refrigerator ay nakaisip siya ng paraan upang mai-display pa rin ang mga ito.

“Dito lang muna kasi wala pa akong sariling ref. Di ko pa nalagay yung ibang ref magnet,” pagbabahagi niya sa kaniyang post sa DIY Travel Philippines.

Makikita rito ang iba’t ibang mga magnet na nakakabit sa isang rice cooker.

Kinaaliwan naman ng mga netizens ang naisip niyang ito. “Baka po mainitan sila. At least sa ref, malamig,” biro ni Albert A.

Napansin naman ng isa na natanggal na ang isang mata ng tarsier sa magnet. “Baka natunaw na po ‘yung pandikit,” sabi niya.

Sabi naman ni Jay A., hilig niya ring mag-ipon ng ref magnet upang ma-motivate siyang makabili ng ref. “Ako naman ref magnet muna binibili ko para eventually, ma-motivate akong bumili ng ref,” komento niya. Lol

Imahe mula sa Facebook | Che Sev

May ilang netizens na wala ring sariling ref ang nagbahagi kung saan nila inilalagay ang mga naiipong magnet.

“May magnetic white board, mas mura po sa ref,” sabi ng isa. Samantala, ang isang nagkomento naman ay yero na pininturahan at nilagyan ng frame ang ginagamit.

Samantala, may isang netizen naman na nagpaalala na hindi ligtas ang ginagawang ito ni Che.

“Bawal po yan, madam. Tanggalin mo na po. Electrical major po ako,” sabi ni Angela Grace. “Magnets produce electricity. Baka magkaroon ng excess na kuryente sa magnet at mag-cause ng shock kapag may nadikitan. Possible din na mabilis uminit agad ‘yung rice cooker, overheat device.”

Dahil sa mga paalala ay natanggal na raw ni Che ang mga ref magnet na kaniyang ikinabit.

Source :

Facebook

Loading…