Netizen, naantig sa nasaksihang diskriminasyon sa isang Chinese sa sinakyang tren

  • Ibinahagi ng isang netizen ang nasaksihan niya umanong “diskriminasyon” laban sa Chinese ng isang kapwa Pilipinong pasahero sa loob ng tren
  • Kinuhanan niya ng larawan ang pag–iwas ng isang babae sa lalaking Chinese na umupo at tumabi sa kaniya sa upuan
  • Nagkomento naman ang mga netizens hinggil dito

Hindi lamang takot at pangamba ang naging epekto ng 2019 Novel Coronavirus o nCov bilang banta sa kalusugan ng mga tao, kundi nagsanga na rin ito sa iba pang suliranin, tulad ng pagka–praning sa sitwasyon at “diskriminasyon sa lahi” o rasismo.

Dahil nagmula nga sa Wuhan, China ang naturang virus, nagkaroon ng “pag–iwas” ang mga tao sa mga Chinese. Katulad na lamang ng nasaksihan ng isang netizen na nagngangalang “Quesha” kung saan ibinahagi niya sa kaniyang Facebook post kung paano iwasan ng mga Pilipino ang isa umanong Chinese sa lulan nilang tren.

Imahe mula sa Facebook account ni Quesha Anne Baye

Kuwento niya, “Kanina nakasakay kami sa tren, napansin ko yung isang Chinese na nakatayo na nagse–cellphone. Noong nakita niyang may bakanteng upuan, tumabi siya sa babae. I was observing the Chinese guy hanggang sa makaupo siya sa tabi ng babae.”

Sa pagpapatuloy, “Noong nakaupo na siya, biglang umalis yung babaeng katabi niya. I saw his reaction kahit mata lang yung kita kasi naka–mask siya. Alam kong medyo nahiya siya dahil sa inasta ng babae. Kaya yung Chinese tumayo na lang ulit tapos nagpanggap na nagse-cellphone siya; nakita kong pumunas siya ng luha. At tiningnan ko naman yung babae na lumipat, nandidiring tiningnan niya yung Chinese.

Ayon sa netizen, hindi naman daw masama ang mag–ingat, subalit kailangan din namang isaalang–alang ang paggalang sa damdamin ng ibang tao.

“Virus is still a virus pero hindi naman lahat ng Chinese infected sa virus. RESPECT. We need to respect each other. Hindi porke’t isa siyang Chinese eh may virus na agad. Akala ko ba  Filipinos will always be around to help a neighbor in need? Bakit ngayon iba yung ipinapakita natin?

Public Domain Image

Umani naman ito ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens.

Sabi ng isa, “Remember, Chinese, Koreans and Japanese they all look the same. Baka iba naman nationality niyan. Pero I agree, mali ang ginawa ng kababayan natin. Wala naman may gusto ng mga nangyari. Huwag namang ganiyan.”

“Huwag ganiyan. Hindi naman makatarungan at makatao ang ganiyan. Huwag sanang judgemental. Kung sa Pinoy ginawa iyan halimbawa, tiyak na magngingitngit din kayo sa galit,” turan naman ng isa.

Samantala, isang netizen naman ang nagpaabot ng kaniyang mensahe sa mga Chinese.

Aniya, To all Chinese Tourists, we are sorry for the harsh words and the rejection we have made you feel. The Philippines and its people are scared not because of you, but because we are a poor country that will suffer if ever it occurs in our land.

Dagdag pa niya, “Many of our countrymen do not have money to even afford to eat 3 meals a day. We pray for the healing of everyone in your country and for the benefit of everybody.”

Sana nga ay hindi na maulit ito dahil kailangan natin ang tulong ng bawat isa upang masawata ang outbreak na ito.

Loading…