Netizen, nagbahagi ng tip para sa mga laging nakalilimot kung nasaan ang susi

Imahe mula sa Facebook | Juziel Bantugan
  • Naaliw ang netizens sa ibinahaging tips ng isang freelancer upang hindi mawala ang susi ng sasakyan
  • Madalas niya raw kasing makalimutan kung saan niya inilagay ang susi kaya naman naiinis na ang kaniyang asawa
  • Upang maiwasan ito ay ginawa na niyang tila hikaw ang susi ng sasakyan

Palagi ka bang naghahanap ng mga gamit na hindi mo maalala kung saan mo ipinatong?

Imahe mula sa Facebook | Juziel Bantugan

Can relate diyan ang netizen na si Ray Andrew Bantugan na vocalist ng bandang BoughtByBlood. Kuwento niya sa kaniyang post sa Facebook group na Online Filipino Freelancers, bihira silang lumabas ng asawang si Juziel dahil pareho silang work from home.

“Dahil work from home kaming mag-asawa, bihira na kaming lumabas ng bahay,” aniya. “And when we do, madalas ‘di ko maalala kung saan ko nilagay yung susi ng kotse. Asar na nga si misis sa katatanong ko kung nakita niya. Pwes, nakahanap na ako ng solution,” kuwento niya sabay bahagi ng larawan kung paano niya ginawang tila hikaw ang susi ng sasakyan.

Maraming netizen ang naaliw sa kaniyang “life hack” dahil madalas din nilang maranasan ito, kaya naman kaniya-kaniya silang tag sa kanilang partner.

Imahe mula sa Facebook | Ray Andrew Bantugan

Si F. Medina, sinisigurado raw na sa isang lugar lang nakalagay ang kaniyang susi para maiwasan ang problemang ito. “Key struggles. Relate. OC here. Kung saan dapat nakalagay, doon lang or else, praning mode,” komento niya.

Biro naman ni Warjon M., sigurado na raw na hindi na mawawala ang susi ng uploader dahil “pag nawala pa ‘yang susi mo, sir, kasama ka nang mawawala sigurado.”

Ang iba, ibinahagi rin ang kaniya-kaniyang lutang moments.

Si Lynne daw, isang beses ay nakalimutan kung saan nag-park. Si D. Dalupang naman daw, dumating sa isang lugar nang naka-kotse at tila nakalimutan na may dala siyang sasakyan kaya nag-commute pauwi. LOL

May ganito ka rin bang lutang moment?

Source :

Facebook

Loading…