Netizen, nagbigay-paalala sa mga mag-aaral na kabilang sa Gen Z

  • Nagpahayag ng kaniyang saloobin ang netizen na si Adrian Santiago tungkol sa nagiging kaugalian ng mga mag-aaral na kabilang sa Generation Z
  • Pinaalalahanan nito ang mga kabataan tungkol sa kung ano ang tamang pamamaraan ng pagresolba ng kanilang mga problema at isyu sa paaralan
  • Nag-viral naman ang post ni Adrian at umani ng iba’t ibang reaksiyon mula sa netizens

Hindi napigilan ng isang netizen na ipahayag ang kaniyang saloobin tungkol sa nagiging kaugalian ng mga mag-aaral na kabilang sa Generation Z o kilala rin bilang Centennials.

Imahe mula sa Facebook post ni Adrian Santiago | Kuha ni Chris Domingo

Sa Facebook noong February 15, ibinahagi ni Adrian Santiago ang larawan kung saan makikita ang hinaing umano ng isang mag-aaral tungkol sa pagkuha ng mga paaralan ng instructor na fresh graduate.

Kuha ang mga iyon ng isang Chris Domingo, batay na rin sa post ng netizen.

Dahil dito, ipinagtanggol ni Adrian ang mga kaga-graduate lamang sa kursong Education na sumabak na rin agad sa pagtuturo matapos makapasa sa Licensure Examination for Teachers (LET).

“Una sa lahat, mali ang pamamaraan ng pagdulog mo sa problema. Kung sinabi mo sa facilitator mo na ‘Sir, pakiulit naman po ng diniscuss niyo, slow learner po kasi ako.’ E di sana walang problema. Hindi naman bobo yang guro mo. Uulitin niya iyan kasi special ka,” sabi nito.

“Ikalawa, kung hindi ka satisfied sa guro mo, learner-centered po tayo, yung GoSurf50 mo po wag mo i-pang Mobile Legends. One click away lang po ang mga information na need mo para matuto, lapit lang kay Mr. Google,” dagdag pa niya.

Payo ni Adrian, may tamang pamamaraan kung paano dapat nireresolba ng mga mag-aaral ang mga isyu at problema na kanilang kinakaharap sa paaralan.

Agad namang nag-viral ang post ng netizen at umani ng iba’t ibang reaksiyon sa social media.

Imahe mula sa Facebook post ni Adrian Santiago

“Sa totoo lang I prefer fresh graduates kasi naiintindihan nila yung mga student sa makabagong panahon. Kaya nilang turuan at sabayan, but it doesn’t matter kasi gusto ko rin yung matatanda na kasi well-experienced na sila. Lahat sila deserve ma-appreciate,” ani AMS.

“So sad. Hindi lang madalas student yung ganyan, even pati parents they judge you real quick. Kesyo fresh grad ka,” sabi ni JMD

“The student may have been quite straightforward, maybe it should have been phrased differently, but nevertheless this is a valid feedback. I can sense a student hungry for interaction with better teachers,” pagtatanggol naman ni LF sa mag-aaral na nagbigay ng kaniyang feedback.

Source :

Facebook

Loading…