Netizens ikinalungkot ang pagkawala ng doktor na nagbigay ng impormasyon tungkol sa nCoV

Imahe mula sa video ng South China Morning Post via YouTube
  • Maraming netizens ang nalungkot sa pagyao ng doktor na isa sa mga unang nagbabala tungkol sa 2019 novel coronavirus (nCoV)
  • Dahil sa pagbibigay ng impormasyon ay ipinatawag siya ng pulisya
  • Pinapirma siya ng mga ito ng kasunduan na hindi na siya maglalabas pa ng impormasyon tungkol sa nCoV

Ikinalungkot ng mga netizens ang pagtatapos ng buhay ng doktor na nakatanggap ng reprimand letter mula sa pulisya matapos niyang magbigay ng babala sa publiko tungkol sa 2019 novel coronavirus (nCoV).

Imahe mula sa video ng South China Morning Post via YouTube

Kinumpirma ng Wuhan Central H0spital ang pagyao ng 34 anyos na si Li Wenliang sa pamamagitan ng kanilang Weibo account.

“In the fight against the pneum0nia epidemic of the new coronavirus infecti0n, our hospital’s ophthalmologist, Li Wenliang, was unfortunately infected. He passed away after all the efforts we’ve taken to resuscitate him. We deeply mourn his passing,” sabi nila.

Ayon sa World Health Organization, ikinalulungkot nila ang pagkawala ni Li. “We are very sorry to hear the loss of any frontline worker who is committed to care for patients … we should celebrate his life and mourn his death with his colleagues,” sabi ni Michael Ryan ng WHO.

Imahe mula sa video ng South China Morning Post via YouTube

Disyembre 30 nang magbabala si Li sa group chat nila na may mala-Sars na karamdaman ang naiulat sa kanilang mga pasyente at naka-quarantine daw ang mga ito sa kanilang emergency department.

Bagama’t kinumpirma ng health authorities na may naitala silang 27 kas0 ng bagong uri ng virus ay ipinatawag daw si Li ng pulisya upang papirmahin ng kasunduan na hindi na siya maglalabas ng impormasyon tungkol dito.

Enero 10 daw nang magsimulang ubuhin si Li at nang sumunod na araw ay nakaranas ng lagnat.

“I was feverish on January 11 and was h0spitalized the next day. Back then, the government still insisted that there was no human-to-human transmission, and said none of the medical staff had been infected,” ayon daw sa post ni Li noong Enero 31.

Ayon sa ulat ng South China Morning Post, bumuhos ang mga mensahe ng pagluluksa para kay Li.

“None of the police has ever apologized to you. You could have been a national hero, but the dereliction of duty has claimed your life, along with a few hundred innocent lives,” sabi raw ng isang netizen sa Weibo.

Loading…