Netizens, naaliw sa ‘DIY water heater’ na ito

Imahe mula sa Facebook | Panpacific University Memes
  • Naaliw ang mga netizens sa ‘life hack’ na inirepost ng isang Facebook page
  • Makikita rito ang isang kandila na nakasabit sa gripo upang magsilbing instant water heater
  • Nakaranas ang Maynila ng 18.5 degrees Celsius na temperature Martes ng umaga, ang pinakamalamig ngayong amihan season

The struggle is real para sa mga empleyado at mag-aaral na kailangang maligo nang maaga dahil sa kakaibang lamig na dala ng amihan season.

Imahe mula sa Facebook | Panpacific University Memes

Dahil dito, pinag-uusapan ngayon sa social media ang larawan na inirepost ng page na Panpacific University Memes sa Facebook. Makikita rito ang isang kandila na nakasabit sa gripo upang magsilbing low-budget na water heater.

“Sa sobrang lamig ngayon, kailangan natin ito,” saad nila sa caption ng post na ngayon ay may 5.5k shares na.

Maraming mga netizensang natuwa sa “innovative” daw na pag-iisip ng may-ari ng orihinal na larawan nito. Nagbiro rin ang ilan na sa halip na mag-init ng tubig o kaya naman ay bumili ng water heater ay ito na lamang daw ang subukang gawin.

Biro ni Drei C. sa kaibigang itinag sa post, “Samahan lang ng kaunting dasal para effective.”

Ang isang netizen na taga-Zamboanga, napa-sana all sa mga nakararanas ng malamig na panahon. “Sana all malamig ang tubig. Dito sa Zamboanga, pwede na kayong magtimpla ng kape,” sabi ni Mel S.

Imahe mula sa Facebook | Panpacific University Memes

Samantala, may isang Facebook user naman na nagkomentong hindi raw epektibo ang “life hack” na ito. “’Di naman effective ‘yan. Ginawa ko ‘yan kaso natanggal yung gripo. Plastic kasi gripo namin kaya napagalitan pa ako ni mama,” biro niya.

Palagay naman ng isang-nagkomento, frustrated engineer ang nakaisip ng paraang ito.

Ayon sa PAGASA, bumaba sa 18.5 degrees Celsius ang temperature sa Maynila noong Martes ng umaga. “It was the coldest temperature in the metro so far since amihan season and was also experienced last February 1,” ayon sa ulat ng Philippine Star.

Ano’ng life hack ang sinubukan mo upang malagpasan ang hamon ng pagligo ngayong malamig ang panahon?

Loading…