Netizens, naantig sa construction worker na walang pamasahe dahil sa delayed na sweldo

Imahe mula sa Facebook | Na Lyn
  • Pinag-usapan sa social media ang post ng isang netizen tungkol sa nakasabay niya sa jeep
  • Kuwento niya, nakiusap daw ang isang construction worker sa jeepney driver kung maaari siyang makisabay dahil wala umano siyang pera
  • Napag-alaman ng uploader na hindi pa sumusweldo ang construction worker kaya wala siyang pera pamasahe at pangkain

Naantig ang mga netizens sa ibinahaging kwento ng isang pasahero sa jeep tungkol sa pr0blemang kinahaharap ng nakasakay niyang construction worker.

Imahe mula sa Facebook | Na Lyn

Sabi ni Na Lyn, may isang construction worker daw na nakiusap sa driver kung maaari siyang sumakay nang libre dahil wala umano itong pamasahe.

“Kanina patawa-tawa lang ako kasi wala akong katabi. Ngayon naman mangiyak-ngiyak ako kay Kuya,” panimula niya. “Nakiusap siya sa driver kung pwede siyang sumabay hanggang Balagtas kasi wala siyang pamasahe. Ayaw ni manong. So tinawag ko si Tatay at binayaran ko ang pamasahe niya,” sabi niya sa kaniyang post na ngayon ay may 128k reactions at 70k shares na.

Dito na raw siya nagkaroon ng pagkakataon upang makakuwentuhan ang nakasakay na pasahero. Nalaman niyang hindi pa pala ito sumusuweldo kaya wala siyang perang pamasahe o pangkain.

“Noong kinausap ako ni Tatay sabi niya, ‘Salamat ha. Galing kasi ako riyan sa construction. Wala pa kaming sahod. Kung sa barracks  naman ako tutuloy, mahal ang pagkain sa canteen,’'” kuwento niya.

Nakuhaan  niya rin ng larawan ang lumang identification card ni Eron Ortille dahil kinuha umano ang ID nila ng kasalukuyang employer upang hindi sila makapagreklamo.

Imahe mula sa Facebook | Na Lyn

Lubos daw na naantig ang damdamin ni Na Lyn lalo na at halos maluha raw ang nakasabay habang ikinukuwento na dalawang linggo na siyang pabalik-balik upang kumuha ng suweldo.

May ilan pang nagbahagi ng parehong karanasan. “Maraming mga contractor na ganiyan. Ako hindi binayaran ng P20k hanggang ngayon pero may karma rin ‘yan,” sabi ng isa.

Ang isa namang netizen, sinabing ganito rin ang sinapit ng asawang construction worker.

Hiling niya, sana raw ay mapasahuran nang maayos ang mga construction  workers dahil hindi biro ang pagod nila sa pagtatrabaho. Mapapaisip ka rin na siguro isa ito sa dahilan kaya napipiltan ang ibang kababayan natin na construction worker na sa ibang bansa makipagsapalaran.

Source :

Facebook

Loading…