Nostalgia: Ang japorms na pormahan ng mga lalaki noong 80’s hanggang 90’s

  • Ibinahagi ng isang Facebook user ang sumikat na pormahan ng mga lalaki noong bago magtapos ang 80’s hanggang kalagitnaan ng 90’s
  • “Tucked in” ang uso noon at ipinakikita ang iba’t ibang mga gadgets sa baywang gaya ng pager
  • Marami naman sa mga batang 80’s at 90’s ang nakaugnay rito

Kasabay ng pagbabago ng panahon ay pagbabago rin sa fashion trends ng mga tao. Bawat tao ay may kani–kaniyang paraan ng pagpapahayag ng kaniyang sarili, batay sa kanilang personalidad, na nakikita sa kanilang paraan ng pananamit.

Kaya naman, nakaramdam ng nostalgia ang mga netizens, lalo na ang mga batang 80’s at 90’s, sa ibinahaging larawan ng nagngangalang “Ken Rys” sa Facebook page na “Nostalgia Philippines”. Makikita sa kaniyang Facebook post ang sumikat na pormahan sa pagitan ng pagtatapos ng dekada ’80 at kalagitnaan ng dekada ’90, na talaga namang “japorms na japorms” kung tawagin.

Imahe mula sa Facebook page na Nostalgia Philippines

“Magtuck–in, higpitan ang sinturon, isabit ang mga gadgets, sumakay sa LRT nang nakatayo at magpray na may magpage or tumawag. Dagdag pogi points sa mga mapopormang cats from late 80’s to mid 90’s,” ayon sa kaniyang caption.

“Relate much” naman ang mga netizens at nagbigay ng kanilang komento hinggil dito. Sabi ng isa, ” Relate… noong una gusto ko ‘yang porma na ‘yan, astig, kaso sa work ko as messenger talo ako kasi kapag pauwi na ako from official business, hindi na ako makalakwatsa… pauwi na ‘ko tapos may magbi–beep, balik daw ako sa office. Kaasar talaga.”

“Tucked in… push, fold, or turn (the edges or ends of something, especially a garment or bedclothes) so as to hide them or hold them in place. Those were the days na uso pa talaga ang beeper. Noon, kapag may pager o beeper ang isang tao, yayamanin ang tingin ng mga tao,” kuwento naman ng isa.

Pagbabahagi naman ng isa, “Mga materyales iyan na kasangkapan sa pagyayabang para mapagkamalang nakaluluwag sa buhay. Noong 70’s, kung nakasakay ka sa kotse at pumapasok sa college, kahit na segunda mano ay maraming babae ang sasabit sa paniniwalang mayaman ka nga kahit utang ang kotse mo.”

Naging pormahan mo rin ba ang ganito?

Public Domain Image
Source :

Facebook

Loading…