OFW na dating guro: “It’s not bad at all to swallow your pride for your dreams”

  • Nagdulot ng inspirasyon ang Facebook post ng isang OFW na dating guro
  • Hindi niya naisakatuparan ang kaniyang propesyon dahil sa pagtatrabaho bilang waiter sa Kuwait
  • Ngayon, isa na siyang Human Resource Coordinator sa isang bagong kompanya

“It’s not bad at all to sometimes swallow your pride for your dreams.”

Iyan ang isa sa mga butil ng kaisipang ibinahagi ng dating guro, at ngayon ay isang Overseas Filipino Worker o OFW na si “JM Papa” sa kaniyang mahaba subalit “worth–reading” na Facebook post na nagdulot ng inspirasyon sa maraming mga netizens.

Imahe mula sa Facebook account ni JM Papa

Isang “achiever” si JM. Ayon sa kaniyang salaysay, “I’m a graduate of Secondary Education major in English in one of the prestigious universities in the Philippines, De La Salle University-Dasmariñas, batch 2015 and in the same year, became a Licensed Professional Teacher. Moreover, I was a consistent 100% university scholar and government scholar as well.

Dagdag pa niya, “I was an active college student, joining every thing I think I’m good at such as singing, dancing, acting, leading, cheer leading, etc. Not bragging, but I’ve achieved enough to make me and my family so proud and I’ll forever be thankful to almighty God who made all these possible.

Subalit sadya ngang minsan ay mapaglaro ang tadhana. Sa halip na maging panday ng karunungan sa isang pampublikong paaralan at pagsilbihan ang kabataang pag–asa ng bayan, nasumpungan ng netizen ang kaniyang sarili sa isa sa mga bansa sa Gitnang Silangan, pinagsisilbihan ang mga Arabyano bilang isang waiter sa restaurant.

“Currently here in the Middle East, serving the arabs in a casual-dining restaurant, treated like nothing but just a servant. From a high-achieving individual to a waiter. When I started working as a waiter, my co-workers were always questioning my decision,” sa pagpapatuloy ng salaysay ng OFW na isinakripisyo ang lahat para sa kaniyang pamilya.

Aminado naman siyang ninais niyang magkaroon ng mas malaking suweldo, na sa palagay niya ay mas makukuha niya sa pangingibang–bansa, kahit na ang trabahong pinasok niya ay hindi niya linya. Nakaramdam umano siya ng panliliit sa sarili, bagama’t malaki ang paggalang niya sa mga waiter at iba pang mga kapwa–OFW.

Public Domain Image

“It’s not bad at all to sometimes swallow your pride for your dreams. To everyone who knows me personally, sorry if I tried to hide this fact. I’m not just really proud of what I’ve become after all the achievements I had,” aniya.

Lalo raw nawala ang tiwala ng netizen sa kaniyang sarili dahil sa loob ng halos tatlong taong pagsisilbi bilang waiter, hindi raw napansin at napahalagahan ang kaniyang husay. Nakaapekto ito kahit sa pagsubok na mag–aplay ng ibang trabaho. Mabuti na lamang daw at may isang naniwala sa kaniya, at nakalipat siya sa isang trading and construction company.

“Now, in God’s grace and mercy, I’m just waiting to be transferred to my new company. I got in a prestigious general trading and construction company in Kuwait, hired as a Human Resource Coordinator. I got my confidence back since someone believed in me again. I’ll forever be thankful and I promise to do everything I can to help the company to grow more,” pagmamalaki niya.

Sa dulo ng kaniyang post, sinabi niyang ang buhay ay sadyang kahalintulad ng gulong: minsan ay nasa itaas, minsan ay nasa ibaba. Ang mahalaga, magpatuloy lamang at huwag susuko. Binitiwan din niya ang tanyag na linya sa sagot ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na “always see situations with a silver lining”.

“Life is indeed like a wheel. Sometimes, you’re up, sometimes, you’re down. Just keep on moving forward, continuously try to be the best version of yourself day by day and  always see situations with a silver lining.”

Pagbati sa iyo, Sir JM! Isa kang inspirasyon para sa lahat!

Public Domain Image
Source :

Facebook

Loading…