P1 million, iuuwi ng cleanest at greenest na barangay sa bawat distrito ng Lungsod ng Maynila

Imahe mula sa Facebook | Manila Public Information Office
  • Bibigyan ng P1 million ng Lungsod ng Maynila ang ‘Cleanest at Greenest’ na mga barangay
  • Magsisilbing technical working group ang mga representative mula sa DENR, DILG, MMDA, at DOST
  • Kailangan daw gamitin ang cash prize para sa mga programang pangkalinisan ng barangay

Bilang bahagi ng mga programa na magpapanatili ng kalinisan sa Lungsod ng Maynila ay inilunsad nila ang Search for the Cleanest and Greenest Barangay sa bawat distrito na tatanggap ng P1 million.

Imahe mula sa Facebook | Manila Public Information Office

“A Memorandum for the ‘Search for the Cleanest and Greenest Barangay’ in the City of Manila will be disseminated to all barangays through the Manila Barangay Bureau,” ayon sa post ng Manila Public Information Office sa Facebook.

Bubuuin ng mga representative mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Interior and Local Government (DILG), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), at Department of Science and Technology (DOST) ang technical working group na siyang magva-validate ng mga na-shortlist na barangay para sa final validation.

Samantala, ang cash prize na maiuuwi ng mga mananalong barangay ay dapat gamitin sa mga programang pangkalinisan. “Cash prize should be used in the betterment and improvement of the barangays in terms of ecological solid waste management, and the creation of clean and green projects as suggested by DILG,” saad pa sa post.

Imahe mula sa Facebook | Manila Public Information Office

Inilabas din nila ang criteria for judging para sa mga barangay. Magbibigay sila ng 30 puntos sa “segregation at source and segregated collection” kung saan dapat na may umiiral na ordinansa ang barangay ukol sa segregation at source. Dapat din daw na may mga segregated bins na may label sa mga kabahayan. Kasama rin sa criteria na ito ang pagdalo sa Barangay Training o Information, Education, and Communication on Ecological Solid Waste Management.

Samantala, 20 puntos naman ang nakalaan kung may material recovery facility o system; 20 puntos din sa greening program kung may vertical gardening, urban garden, urban agriculture, at native at adaptive plants; 15 puntos naman ang ibibigay kung may Barangay Solid Waste Management Committee. 15 puntos naman ang ibibigat sa barangay weekly clean up.

Source :

Facebook

Loading…