
- Nais ni Sen. Sherwin Gatchalian na ipagbawal ang mga mapang-abus0ng pamamaraan ng paniningil ng utang
- Ayon sa kaniya, may mga collection agencies at debt collectors daw kasi na umaabot sa puntong nangha-har
ass na ng kliyente - Ang mga ganitong paraan daw ng paniningil ng utang ay nagdudulot ng s
tress at depresy0n sa sinisingil
Isinusulong ni Sen. Sherwin Gatchalian ang isang batas na magbabawal sa mapang-abus0ng paraan ng paniningil ng utang.

Ang Senate Bill No. 1366 o ang Fair Debt Collection Practices Act daw ay naglalayong ipagbawal ang “abusive, deceptive, and unfair debt collection practices by debt collectors.” Nais nitong protektahan ang mga nangungutang mula sa pang-aabus0 at harassment.
“A number of unscrupul0us collection agencies and debt collectors have taken advantage of borrowers by using false or misleading advertisements to lure them to borrow at unreasonable interest rates, by continuously harassing them and their phonebook contacts, or by using 0ffensive or threatening tactics in order to collect the debts owed to their clients,” sabi ni Gatchalian.

“This measure aims to eliminate, if not minimize, unfair and abusive debt collection practices conducted by debt collectors against consumer-borrowers by providing allowable means to acquire location information of the borrower and enumerating prohibited acts.”
Ang mga mapang-abusong paraan ng paniningil daw kasi ang nagiging dahilan upang makaranas ng marital problems, kawalan ng trabaho, depresy0n, stress, at invasion of privacy ang mga sinisingil sa kanilang pagkakautang.
Sa ilalim ng batas, ilan sa mga ipinagbabawal ay ang paggamit ng banta sa nangutang at sa kaniyang pamilya; paggamit ng masasamang salita upang ipahiya ang nangutang at ang kaniyang pamilya; at pagsasapubliko ng impormasyon ng kliyente.
Aabot daw sa P30,000 ang multa na ipapataw sa sinumang lalabag dito sakaling maging isang ganap na batas.
Pabor ka ba sa batas na ito?