Pagmamahalan na nagsimula sa palitan ng ‘wave’ sa socmed, ibinida ng netizen

  • Saksi sina Kate Garcia-Axalan at Gian Arlo Axalan sa hiwaga na mayroon ang Facebook wave
  • Kinakiligan ang kuwento ng kanilang pagmamahalan’ na nagsimula sa simpleng pagbati sa socmed
  • Marami tuloy ang na-inspire na gamitin ang wave para mahanap rin ang kanilang “The One”

Ibinida ng netizen sa social media ang ‘di pangkaraniwang simula ng love story nilang mag-asawa.

Imahe mula kay Kate Garcia-Axalan | Facebook

Sa Facebook noong February 3, ibinahagi ng netizen na si Kate Garcia-Axalan kung paano nagsimulang umusbong ang pagmamahalan sa pagitan nila ng kaniyang asawa na si Gian Arlo Axalan .

“Trust me, may hiwaga sa loob ng emoji na wave,” sabi nito sa kaniyang post. Aniya, “It all started last December 06, 2017 and ended with I do’s last December 06, 2019.”

Mapapansin sa larawang in-upload ng netizen ang petsang December 6, 2017 kung kailan unang nagkaroon ng lakas ng loob si Gian para i-chat si Kate.

Bumuwelo pa muna ito sa pamamagitan ng pagpindot ng wave button para mapansin ng babae na ngayon ay misis na niya. Nadugtungan rin ang kanilang pag-uusap ng simpleng “hi,” “hello,” at pangungumusta.

Dalawang taon matapos ang pagpapadala ni Gian ng wave emoji kay Kate ay ikinasal na rin silang dalawa. Ginanap iyon sa parehong petsa ng kanilang unang pag-uusap sa social media.

Imahe mula kay Kate Garcia-Axalan | Facebook

Dahil dito, maraming netizens ang nagpahayag ng kanilang saloobin tungkol sa paggamit ng wave emoji para i-chat ang kani-kanilang napupusuan.

“Awww. Kapag may mag-wave na kasi sa inyo, huwag niyo i-seen,” payo ni CB.

“Reply kayo sa wave ko minsan. Malay niyo naman, ‘di ba? Hahaha,” panawagan ni KSR matapos i-share ang post.

“May forever sa Facebook,” sabi naman ni NE matapos mabasa ang kuwento ng netizen.

“Sa wave din kami nagsimula e. Pero nagwakas kami sa ‘you can’t reply to this conversation,’” biro naman ni AMM sa comment section.

Imahe mula kay Kate Garcia-Axalan | Facebook
Source :

Facebook

Loading…