Pakikiramay bumuhos sa pamilya ng tindero ng pares sa Maynila

Imahe mula sa ABS-CBN
  • Nagpaabot ng pakikiramay ang netizens sa pamilya ng tindero ng pares na nah0ldap sa Maynila
  • Hindi ito nakaligtas sa kabila ng isang agarang operasyon isang linggo matapos ang insidente
  • Hiling nila ang hustisya para sa tindero na naghahanapbuhay nang marangal

Inulan ng pakikiramay ang pamilya ng tindero ng pares sa Maynila na sinawim-palad isang linggo matapos na mah0ldap.

Imahe mula sa ABS-CBN

Sa ulat ng GMA News, kinumpirma ng kapatid ni Samson Bautista, 41,  na hindi ito nakaligtas matapos na sumailalim sa isang operasy0n sa Philippine General H0spital.

Nakuhanan ng CCTV ang insidente kung saan makikita ang suspek na kinilalang si Alexander Ogdamina na tinutukan ng baril si Bautista. Sa kabila ng banta ay hindi ibinigay ng biktima ang bag na naglalaman ng kanilang kinita; dahilan upang tuluyan  siya ng suspek sa leeg. Dito lamang nakuha ni Ogdamina ang bag saka dali-daling tumakas.

Nasa kamay na ng mga awtoridad si Ogdamina na sinabing nagawa niya iyon dahil ayaw nitong ibigay ang bag na kinukuha niya.

Dapat sana’y ibinigay na lang umano agad ang bag, sabi niya sa mga reporter. “Baka akala kasi nila nagbibiro kami, hindi kami nagbibiro. Pag sinabi namin ginagawa namin ‘yun.”

Imahe mula sa GMA News

Inamin din niyang gumagamit siya ng ipinagbabawal na gamot.

Hiling ng mga netizens ang hustisya para kay Bautista.

Sabi ni D. Darwin, “Nagtatrabaho nang marangal tapos ganiyan lang ang kahahantungan. Mahirap talagang bitawan ‘yung isang bagay lalo pa at pinaghirapan mo. ‘Di niya maintindihan ‘yun kasi hindi naman siya nagtatrabaho nang marangal.”

“Rest in peace po. Nakalulungkot na pangyayari. Akala ko makakarecover siya. Iba na talaga ang panahon ngayon. Sana mabigyan ng hustisya si kuya,” sabi naman ng isa pa.

Hiling naman ng ibang netizens, sana raw ay mabigyan ng tulong pangkabuhayan ang mga naiwan ni Bautista.

Loading…