Panalong pa-Valentine’s: Netizens nais makatanggap ng bouquet na nakabubusog ng tiyan at ng bulsa

  • Patok ngayon sa social media ang kakaibang bouquet na puwedeng iregalo sa Valentine’s day
  • Imbes kasi na bulaklak, laman nito ang mga tsokolate na ibinalot sa isang libong piso
  • Maraming netizens tuloy ang nag-aasam na makatanggap ng ganito sa Pebrero 14

Pagpasok ng buwan ng Pebrero, marami ang excited para sa Valentine’s day lalo na ang mga magkasintahan at mag-asawa. Abala ang maraming couple sa pag-iisip ng paandar para sa kanilang mga minamahal at makapagbigay ng kilig sa mga ito sa espesyal na araw ng mga pus0.

Kung ang tradisyonal na regalo para sa mga minamahal ay ang bulaklak at tsokolate, mayroon ngayong isang kakaibang regalo na viral sa social media. Bouquet pa rin naman ito ngunit imbes na bulaklak ang laman, nakalagay dito ang mga bagay na makabubusog ng tiyan at ng bulsa.

Larawan mula sa Facebook page na Proud Probinsyano

In-upload ng Facebook page na Proud Probinsyano ang larawan ng kakaibang bouquet na patok daw na iregalo at matanggap ngayong Valentine’s day. Ito ay bouquet ng mga bilog na tsokolate na mayroong nakapalibot na tig-iisang libo bawat piraso.

Sabi ng caption ng post, masaya raw makatanggap ng ganitong regalo sa Valentine’s dahil maliban sa hindi na ito nalalanta tulad ng mga bulaklak, ay sino ba naman ang hindi sasaya kapag nabigyan ng libo-libong piso na maaaring ipambili ng anumang gusto mo.

Siyempre, patok sa maraming netizens ang upgraded bouquet na ito. Umabot na agad sa higit 2,100 reactions, 1,000 comments, at 11,000 shares ang nakuha ng post ng Proud Probinsyano. Maraming netizen ang nagbahagi ng kanilang saloobin tungkol sa bouquet.

May mga girlfriend at misis ang nagta-tag sa kanilang asawa at nagpaparinig na masaya na sila kung makatatanggap ng ganoong bouquet sa araw ng mga pus0.

Sigaw ng maraming may karelasyon, “baka naman” makatanggap sila ng ganito na tiyak na makapagpapasaya sa kanila. Siguruhin lang daw na tunay na pera ang ilalagay sa bouquet.

Larawan mula sa Pexels

Ayon naman sa ilang kalalakihan na gipit sa budget sa darating na Valentine’s day, pagmamahal na lang daw ang ibibigay nila dahil walang anumang katumbas na halaga iyon. May netizen din na napahugot sa kakaibang bouquet. Sabi niya, mas madali pa raw malanta at maubos ang perang regalo kaysa sa bulaklak.

“Hindi nga agad nalalanta, pero hindi rin naman nagtatagal iyang ganyang bouquet. Hahaha,” komento ng isang netizen sa naturang viral post.

Loading…